21/08/2026
Sa panahon ng kalamidad kahit maliit na tulong ay maaaring maging malaking bagay para sa mga pamilyang nangangailangan. Sa patuloy na pag-ulan nitong buong buwan ng Agosto, nakaranas ng pagbaha ang ilang bahagi ng ating bayan na nakaapekto sa 381 pamilya.
Bilang tugon sa pangangailangan ng ating mga kababayang naapektuhan, nagsagawa kahapon, August 20, 2026 (Thursday), ng relief goods repacking activity ang mga kawani ng pamahalaang bayan. Maaaring hindi nito ganap na masagot ang lahat ng pangangailangan ng mga pamilyang dumaranas ng epekto ng pagbaha, ngunit hangad nating kahit sa maliit na paraan ay makatulong ito sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.
Pinangunahan ito ng ating Mahal na Mayor Celso Licuanan Banag, kasama ang Bise Mayor Hon. Edgardo F. Suñiga Jr. at mga Sangguniang Bayan Members, sa pakikiisa ng LDRRMO, sa pangunguna ni Sir Braulio Cuaresma Jr., at MSWDO, sa pangunguna ni Ma’am Theresita Parayno.
Naging mahalaga rin ang mabuting ugnayan at koordinasyon sa mga Barangay Captains ng mga apektadong barangay upang maging maayos at mabilis ang paghahatid ng mga relief goods sa mga pamilyang nangangailangan.
Sa panahon ng pagsubok, pinatutunayan natin na ang bayanihan, malasakit, at pagtutulungan ay mahalagang sandigan ng bawat isa. Hindi man malaki ang bawat tulong, kapag pinagsama-sama, nagiging malaking suporta ito para sa ating mga kababayang nangangailangan.
Sama-sama nating harapin ang anumang pagsubok. Para sa bawat pamilyang Ramosenian, patuloy tayong maglilingkod nang may malasakit at puso.