20/05/2026
19th Regular Session | Mga programang pangkalusugan, nutrisyon, digital payments, at barangay budgets tinalakay ng 10th Sangguniang Panlungsod
Ilan sa mahahalagang usapin ang tinalakay ngayong May 20, 2026 sa ginanap na 19th Regular Session ng 10th Sangguniang Panlungsod ng Tarlac.
📌 Nakatakdang pagtibayin ang kaukulang resolusyon na magbibigay ng awtoridad na lumagda sa Memorandum of Agreement (MOA) ang Tarlac City Government kasama ang Philippine Red Cross para sa ₱2 milyong financial assistance na susuporta sa National Blood Services, partikular sa Blood Samaritan Program para sa mga indigent beneficiaries.
📌 Inendorso rin sa konseho ang draft MOA sa pagitan ng Department of Social Welfare and Development at City Government of Tarlac para sa pagpapatupad ng Supplemental Feeding Program (SFP) at Milk Feeding Program (MFP) para sa mga batang edad 3 hanggang 5 na kasalukuyang naka-enroll sa LGU-run Child Development Centers at Supervised Neighborhood Play. Kasama rin dito ang pag-apruba sa resolusyon at MOA.
📌 Sa usapin ng budget, tinalakay din ang Proposed Annual Budget for Calendar Year 2026 ng lungsod na naunang inihain bilang urgent matter, kung saan iniulat na wala pang naisusumiteng revised Annual Investment Program (AIP).
📌 Naaprubahan sa second reading ang panukalang ordinansa na maghihikayat sa mga pampublikong pamilihan, business establishments, at transport groups sa Tarlac City na gamitin ang QR PH digital payments bilang bahagi ng Paleng-QR PH Program ng Bangko Sentral ng Pilipinas at Department of the Interior and Local Government.
📌 Samantala, inirekomenda rin ang pag-apruba ng iba’t ibang barangay at SK budgets para sa FY 2026 kabilang ang mga barangay ng Tibag, Sto. Niño, Lourdes, Atioc, Balibago I, San Roque, Tibagan, at supplemental budget ng Sta. Maria, gayundin ang SK budgets ng Balibago II at San Francisco.
📌 Ang mga aplikasyon para sa MTOP ay ipinasa naman sa Committee on Transportation para sa kaukulang aksyon.
📌 Ang pagpapatibay ng isang resolution na hihingi ng kaukulang records mula sa Department of Public Works and Highways na naglalaman ng mga proyektong pambarangay
Patuloy ang pagtalakay at pagdedesisyon ng Sangguniang Panlungsod sa mga programang may direktang epekto sa kalusugan, kabuhayan, digitalization, at serbisyo publiko sa Tarlac City. Mananatiling mahalaga ang koordinasyon ng iba’t ibang sektor upang matiyak na ang bawat polisiya at pondo ay magdudulot ng konkretong benepisyo para sa mga Tarlaqueño.