106660 San Jacinto ES

106660 San Jacinto ES This is the Official Page of San Jacinto Elementary School, San Manuel District, Division of Tarlac Province.

Buhay na buhay ang diwa ng bayanihan sa San Jacinto ES! đź’›Maraming salamat po sa aming mga butihing SPTA Officers na wala...
01/09/2026

Buhay na buhay ang diwa ng bayanihan sa San Jacinto ES! 💛Maraming salamat po sa aming mga butihing SPTA Officers na walang sawang sumusuporta sa ating Feeding Program. 🙏
Thank you po for generously sharing your blessings and love with our learners. Tunay na ang bawat munting ambag ay malaking tulong sa kanilang kalusugan, pagkatuto, at kinabukasan. Mabuhay po ang ating SPTA Officers! Sama-sama para sa Batang San Jacinto!

16/08/2026

Isang Paalala at Panawagan sa Aming mga Minamahal na Magulang

Sa mga panahong ganito, nauunawaan po namin ang inyong mga pangamba, lalo na sa mga usaping nakikita at napag-uusapan sa ating mga social media platforms. Nais po naming ipabatid na ang kaligtasan, seguridad, at kapakanan ng ating mga mag-aaral ang nananatiling pangunahing prayoridad ng paaralan. Hindi po namin isasapanganib ang ating mga learners, mga magulang, at mga g**o.

Kasabay nito, nais din po nating tiyakin na magpapatuloy ang pagkatuto ng ating mga anak kahit may mga pagsubok na kinakaharap. Ang edukasyon ay hindi dapat maging dagdag na pasanin sa panahon ng krisis. Sa halip, maaari itong maging sandigan, pag-asa, at paraan upang mapanatili ang ating mga anak na may direksiyon at patuloy na natututo.

Bilang mga magulang, malaking bahagi po kayo ng pagpapatuloy ng kanilang pag-aaral. Kung may mga pagkakataong mahirap makapag-online, walang gadget, walang internet, o hindi ligtas na lumabas ng tahanan, mangyaring ipaalam po ito sa ating mga g**o. Bukas po ang ating paaralan sa pakikipag-ugnayan upang makahanap ng mas ligtas at angkop na paraan para maipagpatuloy ng bawat bata ang kanilang pag-aaral, kabilang na ang paggamit ng printed learning materials.

Huwag po nating tingnan ang pagkatuto bilang isang pasanin, lalo na sa panahon ng krisis. Ang bawat aralin, bawat pahina, at bawat gawaing natatapos ng ating mga anak ay maliit ngunit mahalagang hakbang tungo sa kanilang kinabukasan. Ang pagkatuto ay kailangang magpatuloy—ngunit dapat itong maisagawa sa paraang ligtas, makatao, at naaayon sa kalagayan ng bawat pamilya.

Sa panahong ito, kailangan natin ang pag-unawa, pakikipagtulungan, at bukas na komunikasyon sa isa't isa. Hindi po ito tungkol sa kung sino ang tama o mali. Ito ay tungkol sa kung paano natin sama-samang mapangangalagaan ang ating mga anak habang tinitiyak na hindi napuputol ang kanilang pagkatuto.

Kaligtasan ang una. Pagkatuto ay nagpapatuloy. At sa pagtutulungan ng paaralan, mga g**o, at mga magulang, kakayanin natin ito.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa, pasensya, at patuloy na pakikipagtulungan. Sama-sama po tayo para sa kaligtasan at kinabukasan ng ating mga anak.

Beyond Grateful, Always Supported ♥️♥️♥️We are beyond grateful! 🥹❤️Yung walang sinasabi, walang hinihingi, pero palaging...
13/08/2026

Beyond Grateful, Always Supported ♥️♥️♥️
We are beyond grateful! 🥹❤️
Yung walang sinasabi, walang hinihingi, pero palaging nagkukusa—THAT kind of support hits different! Sa aming mga minamahal na SPTA officers, ramdam na ramdam po namin ang inyong pakikiisa, malasakit, at walang sawang suporta. Hindi man laging nasasabi, pero bawat tulong, bawat effort, at bawat “Ma’am, kami na po” ay sobrang naa-appreciate namin. 🫶
Special shoutout din kina Antie Nenet Nono Carig at Mrs.Eleonor Untalan—our ever-reliable “ON CALL” queens! Kahit anong oras, kapag kailangan, present! Walang arte, walang reklamo—action agad!
This is what genuine partnership looks like: walang kailangan ipilit, walang kailangang hingin—kusang loob, buong puso, at laging present. ❤️
To our SPTA family, THANK YOU!
Your support is seen. Your efforts are felt. Your presence matters.
Quietly serving, loudly making a difference.
You don’t just show up—you SHOW OUT!
Saludo kami sa inyo! ❤️💪

13/08/2026

Appreciation for Our Tech-Support Heroes
Our MC Giver in the house!
From CCTV, Wi-Fi, printers, computers, installations, troubleshooting, and everything in between—name it, and Sir Gemmil and Sir Johnny insert Sir Noly Timagos Jr. are always there to answer the call!
Thank you mga sir, for your tireless support, patience, and technical expertise. You are truly our “IT team on call”—always ready to help whenever we need you.Saludo po kami sa inyo! Our school’s tech heroes! 👏👏👏

Ang aming taos-pusong pagpupugay sa aming mahal na SPTA President G. Jesus Baustista at sa lahat ng miyembro ng SPTA, la...
11/08/2026

Ang aming taos-pusong pagpupugay sa aming mahal na SPTA President G. Jesus Baustista at sa lahat ng miyembro ng SPTA, lalo na sa mga magulang mula Kinder hanggang Grades 3.Maraming salamat po sa inyong walang-sawang suporta at presensya. Kayo po ang mga tahimik na katuwang na laging nandiyan—mula sa paghahanda ng mga lulutuin, pagtulong sa bawat gawain, hanggang sa pagsisinop at pagliligpit ng mga pinagkainan.Maaaring simple lamang sa paningin ng iba ang inyong ginagawa, ngunit para sa amin, napakalaki ng halaga nito. Ang inyong oras, pagod, at malasakit ay malaking ambag sa tagumpay ng ating mga gawain at, higit sa lahat, sa kapakanan ng ating mga mag-aaral.Isang malaking SALUDO po sa inyong lahat! 👏❤️Maraming-maraming salamat po sa inyong dedikasyon, pakikiisa, at pusong laging handang tumulong. Tunay po kayong katuwang ng paaralan sa paghahatid ng mas magandang kinabukasan para sa ating mga anak. 🙏🌷

Happy bday po Municipal Councilor Edwin Co - from your SJES Family
09/08/2026

Happy bday po Municipal Councilor Edwin Co - from your SJES Family

03/08/2026

📢 Magandang gabi po, mga magulang at guardian
Wala pong face-to-face classes bukas,Agosto 4, 2026 araw ng Martes. Ang mga mag-aaral ay sasailalim sa remote learning upang matiyak na magpapatuloy ang pagkatuto habang inuuna ang kaligtasan ng lahat.
Pakigabayan po ang inyong mga anak sa pagsagot ng kanilang mga learning tasks. Maraming salamat po at mag-ingat tayong lahat.

02/08/2026

Magandang umaga po sa ating lahat, mahal naming mga magulang at guardians.
Ipinababatid po namin na suspendido ang Face-to-Face (F2F) classes ngayong araw, Agosto 3, 2026, alinsunod sa anunsyo ng Lokal na Pamahalaan ng San Manuel sa pamumuno ni Mayor Donya.
Pinapayuhan po ang lahat ng mag-aaral na manatili sa bahay at unahin ang kanilang kaligtasan. Patuloy pa rin po ang pagkatuto sa pamamagitan ng mga learning activities na ipagkakaloob ng kanilang mga g**o, kaya hinihiling po namin ang inyong paggabay at suporta sa inyong mga anak.
Patuloy po nating subaybayan ang opisyal na page ng paaralan para sa iba pang mahahalagang anunsyo.
Maraming salamat po sa inyong patuloy na pakikiisa at kooperasyon. Mag-ingat po tayong lahat at pagpalain nawa tayo ng Diyos.

31/07/2026

SY 2026–2027 General Assembly | Done & Dusted! 💙
New SPTA officers officially sworn in.
âś… Parents informed.
âś… Partnership strengthened.
âś… One goal: a safer, stronger, and more learner-centered school for every child.
Thank you to our amazing SPTA, parents and stakeholders especially to PNP San Manuel for showing up and standing with us. Together, we don't just support education—we make it happen. 💪📚

Address

San Jacinto, San Manuel
Tarlac
2309

Opening Hours

Monday 7am - 5pm
Tuesday 7am - 5pm
Wednesday 7am - 5pm
Thursday 7am - 5pm
Friday 7am - 5pm

Telephone

+63454918591

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when 106660 San Jacinto ES posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to 106660 San Jacinto ES:

Shortcuts

Share

Category