Tarlac Today

Tarlac Today Delivering fresh news and relevant updates, Tarlac Today brings the voice of the community straight to its people.

Isang mahalagang yugto ang naabot ng 714 Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) beneficiaries mula sa Tarlac City mat...
02/06/2026

Isang mahalagang yugto ang naabot ng 714 Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) beneficiaries mula sa Tarlac City matapos silang kilalanin bilang graduating beneficiaries sa ginanap na 4Ps Pagtataguyod Roadshow: Hatid Serbisyo, Hatid Pag-asa sa Tarlac City Convention Hall nitong Hunyo 1.

Hindi lamang simpleng pagtatapos sa programa ang kanilang selebrasyon. Ito rin ay pagsisimula ng panibagong kabanata tungo sa mas matatag, mas produktibo, at mas self-sufficient na pamumuhay.

Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng DSWD, mga ahensya ng pamahalaan, pribadong sektor, at iba pang partner organizations, inilapit sa mga benepisyaryo ang iba’t ibang oportunidad sa trabaho, kabuhayan, skills training, edukasyon, at serbisyong pangkalusugan.

Kabilang sa mga serbisyong naihatid ang job opportunities mula sa iba’t ibang kumpanya at ahensya, livelihood assistance, libreng skills training, medical mission, National ID registration, business registration, at iba pang social services.

Patunay ang aktibidad na ang layunin ng 4Ps ay hindi lamang magbigay ng tulong kundi ihanda ang mga pamilya na magkaroon ng mas matatag na kinabukasan sa pamamagitan ng sapat na kaalaman, oportunidad, at suporta.

Mula sa pagiging benepisyaryo tungo sa pagiging mas handa at mas matatag na mamamayan—isang hakbang palapit sa pangarap na mas maunlad na buhay para sa bawat pamilyang Pilipino. ✨





Mas magiging magaan na ang pagbabayad ng ilang government fees online matapos ianunsyo ng LANDBANK na waived o zero tran...
02/06/2026

Mas magiging magaan na ang pagbabayad ng ilang government fees online matapos ianunsyo ng LANDBANK na waived o zero transaction fee ang mga kwalipikadong online payments sa gobyerno simula Hunyo 1 hanggang Disyembre 31, 2026.

Sakop ng programa ang mga pagbabayad gamit ang QRPh, kabilang ang:

✅ Police Clearance
✅ Real Property Tax
✅ Business Permits
✅ Apostille Certificates
✅ Iba pang bayarin sa national agencies, LGUs, GOCCs, water districts, at state universities and colleges

Maaaring ma-avail ang zero-fee transactions sa pamamagitan ng:

📲 LANDBANK Link.BizPortal via QRPh
📲 QRPh standees sa mga kalahok na government offices
📲 Mga website ng government agencies na gumagamit ng Link.BizPortal via QRPh

Ayon sa LANDBANK, bahagi ito ng layunin ng pamahalaan na gawing mas abot-kaya at mas accessible ang digital government services para sa mga Pilipino.

Dagdag pa rito, kamakailan lamang ay ibinaba rin ng LANDBANK ang InstaPay transfer fee mula ₱15 hanggang ₱8, bilang bahagi ng pagpapalawak ng financial inclusion at pagpapagaan ng gastusin ng publiko.

Mas kaunting bayarin, mas madaling transaksyon. 💙





Patuloy na nagpapasiklab ang mga batang atletang Tarlaqueño sa Palarong Pambansa 2026.Congratulations to Cassie Briel Aq...
01/06/2026

Patuloy na nagpapasiklab ang mga batang atletang Tarlaqueño sa Palarong Pambansa 2026.

Congratulations to Cassie Briel Aquino of Bamban Gabaldon Elementary School for bringing home two bronze medals in tennis:

🥉 Tennis Singles – Elementary Girls🥉 Tennis Mixed Doubles – Elementary Girls

Sa murang edad, ipinakita ni Cassie ang tibay ng loob, disiplina, at determinasyong makipagsabayan sa pinakamahuhusay na batang atleta sa bansa.

Ang kanyang tagumpay ay hindi lamang personal na panalo kundi karangalang iniuuwi para sa Bamban, Tarlac, at buong Region III.

Congratulations, Cassie! Patuloy mong pinapataas ang bandera ng Tarlac at nagsisilbing inspirasyon sa kapwa mo kabataan. The future looks bright for you.

Sa panahong tila normal na lang ang makakita ng basura sa kalsada, ilog, dalampasigan, at kabundukan, isang kabataang Pi...
31/05/2026

Sa panahong tila normal na lang ang makakita ng basura sa kalsada, ilog, dalampasigan, at kabundukan, isang kabataang Pilipino ang nagpapatunay na may magagawa pa rin ang isang tao para sa kalikasan.

Si Gabriel Luna Patino, 26-anyos na content creator at environmental advocate, ay nakilala online dahil sa kanyang mga solo clean-up missions sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Kilala bilang isang “cleanfluencer,” hindi siya naghihintay ng malaking audience o viral fame bago kumilos. Para sa kanya, sapat na ang isang simpleng tanong:

“Why not?”

Bagama’t 2025 lamang siya nagsimulang mag-post ng kanyang mga clean-up activities sa social media, halos isang dekada na niya itong ginagawa. Nagsimula ito noong high school matapos niyang mapansin ang unti-unting pagdami ng basura sa mga lugar na dati niyang pinupuntahan bilang turista.

Mula sa mga dalampasigan ng Davao hanggang sa mga bundok ng Zambales at mga lansangan ng Metro Manila, samu’t saring uri ng basura na ang kanyang napulot—mga plastik, sachet, sirang sapatos, school bags, at maging mga bote na may lamang ihi.

Ayon kay Patino, hindi lamang kakulangan sa disiplina ang problema. Sa ilang komunidad, limitado rin ang access sa maayos na waste collection kaya napupunta ang basura sa ilog, dagat, at iba pang pampublikong lugar.

Ngunit sa kabila ng mga hamon, nakita rin niya ang mga lugar na nagpapatunay na posible ang malinis na kapaligiran.

Isa rito ang Palawan, na ayon sa kanya ay isang halimbawa ng matagumpay na kombinasyon ng edukasyon, disiplina, at epektibong pagpapatupad ng mga patakaran sa kalinisan.

Sa bawat basurang kanyang pinupulot, isang mensahe ang kanyang ipinapaalala: ang pagbabago ay hindi laging nagsisimula sa malalaking programa o milyon-milyong pondo.

Minsan, nagsisimula ito sa isang taong yumuyuko para pumulot ng isang pirasong basura—at pinipiling kumilos kaysa magreklamo.

📷 Courtesy: Gabriel Luna Patino / .cleanup/ spot.ph

Nagpadala ang Capas Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng pitong volunteer responders sa A...
31/05/2026

Nagpadala ang Capas Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng pitong volunteer responders sa Angeles City noong Mayo 29 upang tumulong sa nagpapatuloy na operasyon sa lugar ng gumuhong siyam na palapag na gusali.

Bilang pakikiisa sa mga responder na ilang araw nang nasa ground, tumulong ang Capas team sa debris-clearing at retrieval efforts upang mapalakas ang manpower at mabigyan ng suporta ang mga lokal na rescue crews.

Sa gitna ng mabibigat na operasyon sa pagitan ng mga bakal at konkretong gumuho, nagsilbing mahalagang karagdagang puwersa ang mga volunteer mula Capas sa patuloy na paghahanap at pagtulong sa mga apektado ng insidente.

Muli nitong ipinakita ang diwa ng bayanihan at pagtutulungan ng mga lokal na pamahalaan at emergency responders sa panahon ng sakuna.

Pinaalalahanan ng Department of Health (DOH) ang mga miyembro ng PhilHealth na maaari nilang magamit ang outpatient dent...
31/05/2026

Pinaalalahanan ng Department of Health (DOH) ang mga miyembro ng PhilHealth na maaari nilang magamit ang outpatient dental benefits na bahagi ng kanilang primary care package na nagkakahalaga ng hanggang ₱1,000 kada miyembro.

Ayon sa DOH, maaaring magamit ang benepisyong ito para sa dalawang dental cleaning kada taon at isang dental checkup.

Para naman sa mga bata, kabilang din sa package ang fluoride application upang makatulong sa pagpapanatiling malusog at matibay ang kanilang mga ngipin. Hinihikayat din ang mga adult members na samantalahin ang serbisyong ito bilang bahagi ng preventive healthcare.

Pinapayuhan ang mga miyembro na bumisita sa pinakamalapit na YAKAP Clinic o PhilHealth Office para sa karagdagang impormasyon kung paano ma-avail ang benepisyo.

Isang paalala: mahalaga ang regular na dental checkup hindi lamang para sa ngipin kundi para rin sa pangkalahatang kalusugan. 🪥✨


Opisyal nang inanunsyo ng DOST-PAGASA ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa bansa, isa sa mga pangunahing pa...
30/05/2026

Opisyal nang inanunsyo ng DOST-PAGASA ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa bansa, isa sa mga pangunahing palatandaan ng nalalapit na pagsisimula ng tag-ulan.

Ayon sa PAGASA, habang mas nagiging dominante ang Habagat, inaasahan ang paminsan-minsan hanggang madalas na pag-ulan at thunderstorms, lalo na sa kanlurang bahagi ng bansa.

Bagama't maaari pa ring magkaroon ng ilang araw o linggo na halos walang ulan o tinatawag na monsoon breaks, sinabi ng ahensya na ang kasalukuyang kondisyon ay maaaring magpahiwatig ng opisyal na pagsisimula ng rainy season sa mga susunod na araw.

Pinapayuhan ang publiko na manatiling updated sa mga weather advisories at maghanda sa posibleng epekto ng mas madalas na pag-ulan.

Panahon na para ilabas ang payong at rain gear!

May kabuuang 1,739 Transport Network Vehicle Service (TNVS) drivers at Private Express and Messenger Delivery Services (...
30/05/2026

May kabuuang 1,739 Transport Network Vehicle Service (TNVS) drivers at Private Express and Messenger Delivery Services (PEMEDES) riders sa Tarlac ang nakatanggap ng tig-₱5,000 cash assistance mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ilalim ng Cash Relief Assistance (CRA) Program.

Sa pakikipagtulungan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), layunin ng programa na makatulong sa mga driver at riders na apektado ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis at iba pang gastusin sa kanilang hanapbuhay.

Ayon kay Grab driver Augusto Tiamzon Jr., malaking tulong ang ayuda dahil maaari itong magamit sa fuel expenses sa loob ng halos isang linggo.

Ibinahagi rin ni TNVS driver Jacob Lacsa na malaking bahagi ng kanilang kita ngayon ang napupunta sa krudo, kaya malaki ang naitutulong ng naturang suporta lalo na sa panahon ng krisis.

Bahagi ang programa ng Unified Package for Livelihood, Industry, Food, and Transport (UPLIFT) ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na naglalayong magbigay ng agarang tulong sa mga sektor na lubhang naaapektuhan ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Isang mahalagang hakbang para sa mas maayos at mas accessible na serbisyong pangkalusugan ang opisyal na pagbabasbas ng ...
29/05/2026

Isang mahalagang hakbang para sa mas maayos at mas accessible na serbisyong pangkalusugan ang opisyal na pagbabasbas ng bagong Dialysis Center sa Amacalan, Gerona, Tarlac.

Higit pa sa isang bagong pasilidad, simbolo ito ng pag-asa, pag-aaruga, at mas pinalakas na pangakong mailapit ang dekalidad na healthcare sa komunidad—lalo na sa mga pasyenteng nangangailangan ng regular na dialysis treatment.

Inaasahang makatutulong ang bagong center upang mabawasan ang pangangailangang bumiyahe ng mga pasyente at mas mailapit ang kinakailangang serbisyong medikal sa mga pamilya sa Gerona at mga karatig lugar.

Mas pinalalakas ang suporta para sa mga unang g**o ng komunidad.Pormal na lumagda ang Tarlac State University (TSU), sa ...
29/05/2026

Mas pinalalakas ang suporta para sa mga unang g**o ng komunidad.

Pormal na lumagda ang Tarlac State University (TSU), sa pamamagitan ng Center for Community and Local Governance Studies and Policy Development (CCLGSPD), at ang Pamahalaang Bayan ng Camiling sa isang Memorandum of Agreement para sa Project START+ (Advancing Capacity of Child Development Workers Across All Municipalities) noong Mayo 26.

Sa pamamagitan ng programa, layunin ng TSU na palawakin ang pagsasanay at professional development ng mga Child Development Workers (CDWs) sa Tarlac—kabilang ang mas mahusay na suporta para sa early childhood education, mga batang may espesyal na pangangailangan, mas aktibong partisipasyon ng mga magulang, at pagsusulong ng mga polisiyang tutugon sa kapakanan ng mga CDW.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni TSU President Dr. Jasper Jay Mendoza na bago pa man pumasok ang isang bata sa pormal na paaralan, ang mga Child Development Worker na ang unang humuhubog sa kanilang pagkatuto at pag-unlad.

Ipinahayag din ng LGU Camiling ang suporta nito sa inisyatiba at inilarawan ang partnership bilang isang mahalagang hakbang upang mas mapalakas ang serbisyong pangkabataan at pangkomunidad.

Sa pagsali ng Camiling, lima na sa walong target na munisipalidad sa Tarlac ang opisyal nang bahagi ng Project START+—isang hakbang tungo sa mas matatag na pundasyon para sa mga bata at pamilyang Tarlaqueño.

Address

Tarlac
2300

Opening Hours

Monday 8am - 5am
Tuesday 8am - 5am
Wednesday 8am - 5am
Thursday 8am - 5am
Friday 8am - 5am

Telephone

+63459824051

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tarlac Today posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Tarlac Today:

Share