Amucao NHS - Special Program in Journalism

Directions

Amucao NHS - Special Program in Journalism Official page of Amucao National High School's Special Program in Journalism

LATHINIG 2026 AWARDING CEREMONY | School-Based Press Conference 2026 Matagumpay na nagtapos ang School-Based Press Confe...
26/07/2026

LATHINIG 2026 AWARDING CEREMONY | School-Based Press Conference 2026
Matagumpay na nagtapos ang School-Based Press Conference 2026 sa pamamagitan ng Awarding Ceremony na kumilala sa husay, dedikasyon, at pagsisikap ng ating mga batang mamamahayag. Sa loob ng limang araw ng pagsasanay at kompetisyon, ipinamalas ng bawat kalahok ang kanilang talento, pagkamalikhain, at determinasyong maging mga responsableng tagapaghatid ng katotohanan sa iba't ibang larangan ng campus journalism.

Kaakibat ng temang "Lathala ng Katotohanan. Tinig ng Pananagutan.", ipinagdiriwang natin hindi lamang ang mga nagwagi kundi ang bawat mag-aaral na buong pusong lumahok at nagbigay ng kanilang pinakamahusay. Taos-pusong pasasalamat sa ating mga tagapagsanay, TWG, at sa lahat ng naging bahagi ng matagumpay na SBPC 2026. Congratulations sa lahat ng mga nagwagi at mabuhay ang ating mga ANHS Campus Journalists!

Day 4 | Towards Excellence in Campus JournalismSa ika-apat na araw ng School-Based Press Conference 2026, matagumpay na ...
23/07/2026

Day 4 | Towards Excellence in Campus Journalism
Sa ika-apat na araw ng School-Based Press Conference 2026, matagumpay na isinagawa ang pagsasanay sa Science and Technology Writing at Copy Reading and Headline Writing. Sa pamamagitan ng mga gawaing nakatuon sa siyentipikong pagsulat at masusing pag-eedit ng mga balita, higit pang nahasa ang kakayahan ng ating mga batang mamamahayag sa paglikha ng mga artikulong tumpak, mapanuri, at may mataas na pamantayan sa pamamahayag.

Sa pagtatapos ng apat na araw na paglalakbay, bitbit ng bawat kalahok ang mahahalagang aral, bagong kasanayan, at inspirasyong ipagpatuloy ang kanilang misyon bilang mga responsableng mamamahayag. Kaakibat ng temang "Lathala ng Katotohanan. Tinig ng Pananagutan.", patuloy nating isabuhay ang katotohanan, integridad, at pananagutan sa bawat panulat.

Abangan bukas ang pinakahihintay na Awarding Ceremony bilang pagkilala sa husay, sipag, at dedikasyon ng ating mga kalahok. Hanggang sa muli, padayon, ANHS Campus Journalists!

DAY 3 | LATHINIG- Amucao NHS SBPC 2026Patuloy na hinuhubog ang husay at talento ng mga batang mamamahayag sa iba't ibang...
23/07/2026

DAY 3 | LATHINIG- Amucao NHS SBPC 2026
Patuloy na hinuhubog ang husay at talento ng mga batang mamamahayag sa iba't ibang larangan ng pagsulatโ€”Editorial Writing, Sports Writing, Feature Writing, Column Writing, at News Writing. Sa bawat salita, umuusbong ang katotohanan at paninindigan.
Sa ikatlong araw ng kompetisyon, ipinamalas ng mga batang campus journalists ang kanilang kakayahang magsuri, magpahayag, at maghatid ng mahahalagang impormasyon sa pamamagitan ng makabuluhang mga akda. Bawat pangungusap ay sumasalamin sa kanilang dedikasyon, pagkamalikhain, at pananagutan bilang mga kabataang mamamahayag na handang maging tinig ng kanilang komunidad.
Lathala ng Katotohanan. Tinig ng Pananagutan.



โœ๐Ÿ“ธ Ma'am Monica C. Dayao, SPJ 7 Adviser

DAY 2 | School-Based Press Conference 2026Sa ikalawang araw ng ANHS School-Based Press Conference 2026, mas pinaigting a...
21/07/2026

DAY 2 | School-Based Press Conference 2026

Sa ikalawang araw ng ANHS School-Based Press Conference 2026, mas pinaigting ang pagsasanay ng ating mga batang mamamahayag sa iba't ibang larangan ng campus journalism. Sa pamamagitan ng mga workshop sa Scriptwriting and Radio Broadcasting, Desktop Collaborative Publishing, Online Publishing, Photojournalism, Editorial Cartooning, at Editorial Writing, higit nilang nahasa ang kanilang kaalaman, kasanayan, at pagpapahalaga sa responsableng pamamahayag.

Kaakibat ng temang "LATHINIG 2026: Lathala ng Katotohanan. Tinig ng Pananagutan.", patuloy na hinuhubog ang ating mga mag-aaral upang maging mapanuri, matapat, at may paninindigang mga mamamahayag na handang gamitin ang kanilang panulat at tinig sa paglilingkod sa katotohanan at sa kapwa.

Patuloy tayong magsulat nang may layunin, magsalita nang may pananagutan, at maglingkod nang may integridad. Padayon, mga batang mamamahayag!

LATHINIG 2026 | DAY 1Pormal na sinimulan ng Amucao National High School ang School-Based Press Conference 2026 na naglal...
20/07/2026

LATHINIG 2026 | DAY 1

Pormal na sinimulan ng Amucao National High School ang School-Based Press Conference 2026 na naglalayong ihanda ang mga School Paper Advisers (SPAs) at mga campus journalists para sa mga gawain at kompetisyong kanilang haharapin sa mga susunod na araw.

Sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga layunin, alituntunin, iskedyul ng mga aktibidad, at Journalist's Creed, nabigyang inspirasyon at gabay ang mga kalahok upang isabuhay ang tema ng programa: "LATHINIG 2026: Lathala ng Katotohanan. Tinig ng Pananagutan."

Nawa'y magsilbing matibay na pundasyon ang unang araw na ito sa paghubog ng mga mamamahayag na may integridad, kahusayan, at pananagutan.

๐Œ๐š๐ ๐ฅ๐š๐ญ๐ก๐š๐ฅ๐š ๐ง๐  ๐ค๐š๐ญ๐จ๐ญ๐จ๐ก๐š๐ง๐š๐ง. ๐Œ๐š๐ ๐ข๐ง๐  ๐ญ๐ข๐ง๐ข๐  ๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ง๐š๐ง๐š๐ ๐ฎ๐ญ๐š๐ง.Sa panahon ng mabilis na pagdaloy ng impormasyon, higit kailanman...
18/07/2026

๐Œ๐š๐ ๐ฅ๐š๐ญ๐ก๐š๐ฅ๐š ๐ง๐  ๐ค๐š๐ญ๐จ๐ญ๐จ๐ก๐š๐ง๐š๐ง. ๐Œ๐š๐ ๐ข๐ง๐  ๐ญ๐ข๐ง๐ข๐  ๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ง๐š๐ง๐š๐ ๐ฎ๐ญ๐š๐ง.

Sa panahon ng mabilis na pagdaloy ng impormasyon, higit kailanman ay kailangan ang mga kabataang mamamahayag na handang magsulat nang may kahusayan at katotohanan, magsalita nang may paninindigan, at manawagan ng pananagutan.

Ngayong taon, maki-isa sa ๐‹๐€๐“๐‡๐ˆ๐๐ˆ๐† ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”. ๐‹๐ข๐ฐ๐š๐ง๐š๐  ๐ง๐  ๐Š๐š๐ญ๐จ๐ญ๐จ๐ก๐š๐ง๐š๐ง. ๐“๐ข๐ง๐ข๐  ๐ง๐  ๐๐š๐ง๐š๐ง๐š๐ ๐ฎ๐ญ๐š๐ง. - ang opisyal na panawagan ng ๐‘บ๐’„๐’‰๐’๐’๐’-๐’ƒ๐’‚๐’”๐’†๐’… ๐‘ท๐’“๐’†๐’”๐’” ๐‘ช๐’๐’๐’‡๐’†๐’“๐’†๐’๐’„๐’† ๐‘›๐‘” ๐ด๐‘š๐‘ข๐‘๐‘Ž๐‘œ ๐‘๐‘Ž๐‘ก๐‘–๐‘œ๐‘›๐‘Ž๐‘™ ๐ป๐‘–๐‘”โ„Ž ๐‘†๐‘โ„Ž๐‘œ๐‘œ๐‘™ nitong Hulyo 20-24, 2026.

Narito ang mga larangang magbibigay-buhay sa iyong panulat at tinig.
๐ˆ๐ง๐๐ข๐ฏ๐ข๐๐ฎ๐š๐ฅ ๐‚๐š๐ญ๐ž๐ ๐จ๐ซ๐ข๐ž๐ฌ:
โ€ข News Writing
โ€ข Editorial Writing
โ€ข Column Writing
โ€ข Feature Writing
โ€ข Science & Technology Writing
โ€ข Sports Writing
โ€ข Editorial Cartooning
โ€ข Photojournalism
โ€ข Copyediting & Headline Writing
๐†๐ซ๐จ๐ฎ๐ฉ ๐‚๐š๐ญ๐ž๐ ๐จ๐ซ๐ข๐ž๐ฌ:
โ€ข Radio Script Writing & Broadcasting
โ€ข Collaborative Desktop Publishing
โ€ข Online Publishing

๐‘๐ž๐ ๐ข๐ฌ๐ญ๐ซ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐‚๐จ๐ง๐ญ๐š๐œ๐ญ๐ฌ
๐‘ฑ๐’–๐’๐’Š๐’๐’“ ๐‘ฏ๐’Š๐’ˆ๐’‰ ๐‘บ๐’„๐’‰๐’๐’๐’: Sir Jonard G. Lising, Sir Anthony C. Caibiran, Maโ€™am Kathleen Kaye M. Garcia, Maโ€™am Karen P. Enabe, Maโ€™am Monica C. Dayao, Maโ€™am Kelly Shae G. De Jesus, Sir Randy M. Pamintuan, Maโ€™am Erlina C. Pamintuan
๐‘บ๐’†๐’๐’Š๐’๐’“ ๐‘ฏ๐’Š๐’ˆ๐’‰ ๐‘บ๐’„๐’‰๐’๐’๐’: Maโ€™am Melanie P. Dueรฑas, Sir John Carl C. Gamase, Maโ€™am Raquel G. Taรฑedo

๐•๐ž๐ง๐ฎ๐ž๐ฌ: ANHS Covered Quadrangle, SPJ rooms, ICT room, Library

Abangan ang opisyal na iskedyul ng programa at iba pang mahahalagang anunsiyo.

๐—ฆ๐—ถ๐—บ๐˜‚๐—น๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ฎ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐—ป๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด ๐˜‚๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ต๐—ฎ๐—ธ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—น๐—ฎ๐˜๐—ต๐—ฎ๐—น๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐˜๐—ผ๐˜๐—ผ๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐˜ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐˜„๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐˜‚๐˜๐—ฎ๐—ป.

๐Ÿ“ Panulat at Pubmat ni Sir Jonard G. Lising, SPJ Coordinator

๐€ ๐๐„๐– ๐‚๐‡๐€๐๐“๐„๐‘ ๐๐„๐†๐ˆ๐๐’. ๐๐„๐– ๐•๐Ž๐ˆ๐‚๐„๐’ ๐€๐‘๐„ ๐‘๐„๐€๐ƒ๐˜ ๐“๐Ž ๐๐„ ๐‡๐„๐€๐‘๐ƒ.Greetings, Amucao National High School Community!The search for t...
06/06/2026

๐€ ๐๐„๐– ๐‚๐‡๐€๐๐“๐„๐‘ ๐๐„๐†๐ˆ๐๐’. ๐๐„๐– ๐•๐Ž๐ˆ๐‚๐„๐’ ๐€๐‘๐„ ๐‘๐„๐€๐ƒ๐˜ ๐“๐Ž ๐๐„ ๐‡๐„๐€๐‘๐ƒ.

Greetings, Amucao National High School Community!

The search for the next generation of campus journalists has uncovered promising talents ready to take on the challenge of truth-telling, storytelling, and responsible communication.

Today, we proudly present the ๐๐€๐‘๐“๐ˆ๐€๐‹ ๐‹๐ˆ๐’๐“ ๐Ž๐… ๐’๐”๐‚๐‚๐„๐’๐’๐…๐”๐‹ ๐’๐๐‰ ๐๐”๐€๐‹๐ˆ๐…๐ˆ๐„๐‘๐’ for School Year 2026โ€“2027.

To our successful examinees, congratulations! Your dedication, potential, and passion for communication have earned you a place among the newest members of the Special Program in Journalism. You are now one step closer to becoming storytellers who inform, inspire, and make an impact.

Beyond the headlines, journalism is about listening to people, seeking the truth, and giving meaning to the stories that shape our community. As you begin this journey, may your curiosity lead you to discovery, your creativity lead you to innovation, and your integrity lead you to excellence.

Welcome to a community where every voice matters and every story counts.

๐“๐ก๐ž ๐ซ๐ž๐œ๐ซ๐ฎ๐ข๐ญ๐ฆ๐ž๐ง๐ญ ๐œ๐จ๐ง๐ญ๐ข๐ง๐ฎ๐ž๐ฌ!
A few slots remain open for aspiring Grade 7 learners who wish to become part of the SPJ family. Interested applicants may contact Sir Jonard G. Lising, SPJ Coordinator, through Messenger or send a message to this page for inquiries and application details.

๐๐€๐“๐‚๐‡ ๐Ÿ ๐ˆ๐’ ๐‡๐„๐‘๐„!Didnโ€™t make it to the first qualifying exam? This is your opportunity to take your shot and become part ...
18/05/2026

๐๐€๐“๐‚๐‡ ๐Ÿ ๐ˆ๐’ ๐‡๐„๐‘๐„!

Didnโ€™t make it to the first qualifying exam? This is your opportunity to take your shot and become part of the Special Program in Journalism of Amucao National High School.

๐——๐—ฎ๐˜๐—ฒ: ๐— ๐—ผ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ๐˜†, ๐— ๐—ฎ๐˜† ๐Ÿฎ๐Ÿฑ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ
๐—ง๐—ถ๐—บ๐—ฒ: ๐Ÿด:๐Ÿฌ๐Ÿฌ ๐—”๐—  โ€“ ๐Ÿญ๐Ÿญ:๐Ÿฌ๐Ÿฌ ๐—”๐— 
๐—ฉ๐—ฒ๐—ป๐˜‚๐—ฒ: ๐—”๐—บ๐˜‚๐—ฐ๐—ฎ๐—ผ ๐—ก๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐—›๐—ถ๐—ด๐—ต ๐—ฆ๐—ฐ๐—ต๐—ผ๐—ผ๐—น

This schedule is intended for:
โ€ข Applicants who were unable to attend Batch 1
โ€ข Students who recently enlisted for SPJ

Bring your pens, your ideas, and the confidence to tell stories that matter. Journalism begins with one brave step โ€” and this might be yours.

Applicants who still have incomplete requirements must bring the following:
โ€ข Grade 6 Report Card
โ€ข Photocopy of PSA Birth Certificate
โ€ข Enrollment Form (to be accomplished onsite)

The official list of qualified examinees will be posted soon. Stay updated.


๐“๐‡๐„ ๐๐„๐—๐“ ๐’๐“๐Ž๐‘๐˜ ๐‚๐Ž๐”๐‹๐ƒ ๐๐„ ๐˜๐Ž๐”๐‘๐’.After opening its doors to aspiring storytellers and future journalists, the Special Progr...
08/05/2026

๐“๐‡๐„ ๐๐„๐—๐“ ๐’๐“๐Ž๐‘๐˜ ๐‚๐Ž๐”๐‹๐ƒ ๐๐„ ๐˜๐Ž๐”๐‘๐’.
After opening its doors to aspiring storytellers and future journalists, the Special Program in Journalism of Amucao NHS now moves to the next stage of the journey.

๐’๐๐‰ ๐๐”๐€๐‹๐ˆ๐…๐˜๐ˆ๐๐† ๐„๐—๐€๐Œ๐ˆ๐๐€๐“๐ˆ๐Ž๐
๐Ÿ“‹Tuesday, May 12, 2026
โฑ๏ธ8:00 AM
๐Ÿ“Amucao National High School

Bring your pens, your passion, and your purposeโ€”because this could be your first byline, your first breakthrough, and your first step into the world of campus journalism.

Keep posted for further announcements.


๐’๐๐‰ ๐˜๐„๐€๐‘ ๐Ÿ“ ๐๐„๐†๐ˆ๐๐’ ๐–๐ˆ๐“๐‡ ๐˜๐Ž๐”.The Special Program in Journalism of Amucao NHS opens its doors once againโ€”calling students r...
27/04/2026

๐’๐๐‰ ๐˜๐„๐€๐‘ ๐Ÿ“ ๐๐„๐†๐ˆ๐๐’ ๐–๐ˆ๐“๐‡ ๐˜๐Ž๐”.

The Special Program in Journalism of Amucao NHS opens its doors once againโ€”calling students ready to observe, question, and tell stories that matter.

๐—˜๐—ก๐—Ÿ๐—œ๐—ฆ๐—ง ๐—ก๐—ข๐—ช. Take your place in campus journalism.

๐๐ฎ๐š๐ฅ๐ข๐Ÿ๐ข๐œ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐ฌ:
โœ…Final average grade of 85 or above
โœ…At least 85 in English and Filipino
โœ…Exhibits aptitude for campus journalism

๐‘๐ž๐ช๐ฎ๐ข๐ซ๐ž๐ฆ๐ž๐ง๐ญ๐ฌ:
๐ŸŸขPhotocopy of PSA Birth Certificate
๐ŸŸขAccomplished Enrollment Forms
๐ŸŸขGrade 6 Report Card

๐ˆ๐ง๐ช๐ฎ๐ข๐ซ๐ข๐ž๐ฌ:
Message Sir Jonard Lising, SPJ Coordinator via Messenger
or contact this page directly

๐—ง๐—ต๐—ฒ ๐—ฆ๐—ฃ๐— ๐—ค๐˜‚๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ณ๐˜†๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—˜๐˜…๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ฆ๐—ฐ๐—ต๐—ฒ๐—ฑ๐˜‚๐—น๐—ฒ ๐˜„๐—ถ๐—น๐—น ๐—ฏ๐—ฒ ๐—ฟ๐—ฒ๐—น๐—ฒ๐—ฎ๐˜€๐—ฒ๐—ฑ ๐˜€๐—ผ๐—ผ๐—ป. ๐—ฆ๐˜๐—ฎ๐˜† ๐˜๐˜‚๐—ป๐—ฒ๐—ฑ.

Address

Zone 1
Tarlac
2300

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Amucao NHS - Special Program in Journalism posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category