10/01/2026
Hindi na lang basura ang Great Pacific Garbage Patch sa Karagatang Pasipiko. Ayon sa mga siyentipiko, ang mga lumulutang na plastik dito ay nagiging tirahan na ng ilang uri ng buhay-dagat.
Babala ng mga eksperto, binabago ng plastic pollution ang natural na balanse ng karagatan at maaaring magdulot ng mas malaking panganib sa ekosistemaโlalo na sa mga bansang umaasa sa dagat tulad ng Pilipinas.
Isa itong paalala: hindi normal ang ganitong kalagayan, at kailangan ng agarang aksyon laban sa plastik sa karagatan.
, , ,