30/08/2026
๐ผ๐ต๐ถ๐บ ๐บ๐จ ๐ฐ๐ฉ๐จ๐ฉ๐จ, ๐ณ๐ฐ๐ฎ๐ป๐จ๐บ ๐บ๐จ ๐ฐ๐ป๐จ๐จ๐บ
Tunay ngang kay bangis maningil ng kalikasan kapag binaboy ng kapabayaan at nilason ng kasakiman ng gobyerno. Mga hanging umiihip nang marahas at s baha na lumulunod sa ating mga kalsada, malinaw ang mensahe: ๐ฎ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐
๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐
๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐.
Pero sa gitna ng unos na ito, sino ba talaga ang tunay na nahihirapan?
Mga ๐ฉ๐จ๐ช๐ฅ๐๐ง ng jeep na nakatitig sa manibela at basang kalsadaโmga tatay na walang maiuuwing pagkain sa hapag-kainan kapag walang biyahe o pasada.
Mga "๐ฃ๐ค ๐ฌ๐ค๐ง๐ , ๐ฃ๐ค ๐ฅ๐๐ฎ" na manggagawa na kailangang makipagsapalaran sa hanggang-dibdib na baha, suong ang panganib at sakit, dahil ang pagliban nang isang araw ay katumbas ng gutom ng pamilya.
Mga ๐๐จ๐ฉ๐ช๐๐ฎ๐๐ฃ๐ฉ๐๐ฃ๐ basang-basa ang sapin sa paa, hawak ang natitirang barya sa bulsa na sapat lang pampasahe, at nagdarasal na sanaโy makauwi nang ligtas sa gitna ng matinding peligro.
Mga ๐ข๐๐ง๐๐ก๐๐ฉ๐๐ฃ๐ ๐ฉ๐๐๐๐ก๐ช๐ฃ๐๐จ๐ค๐ na nakatira sa tabi ng mga esteroโt ilogโmga pamilyang sa bawat pagtaas ng tubig ay terorrisado ang isip, kailangang dalhin ang kakaunting ari-arian papunta sa evacuation center, at paulit-ulit na nawawalan ng tirahan sa bawat dalaw ng unos.
Mga ๐จ๐ฉ๐ง๐๐๐ฉ ๐ซ๐๐ฃ๐๐ค๐ง ๐๐ฉ ๐ข๐๐ก๐๐ก๐๐๐ฉ ๐ฃ๐ ๐ฉ๐๐ฃ๐๐๐ง๐ na umaasa sa kakarampot benta bawat araw para lang may maipangkain. Kapag bumaha, nabubulok ang tinitindang paninda, tuluyang napagkakaitan ng puhunan, at nalulubog sa panibagong utang.
Mga ๐๐๐ก๐๐ซ๐๐ง๐ฎ ๐ง๐๐๐๐ง ๐๐ฉ ๐๐ค๐ข๐ข๐ช๐ฉ๐๐ง na basang-basa habang nagmamanedo ng motorsiklo o nag-aabang nang ilang oras sa kalsada, itinataya ang sariling kalusugan at buhay maibigay lamang ang serbisyo sa tao at makauwi man lang nang buo sa pamilya.
Mga ๐ข๐๐ฎ ๐จ๐๐ ๐๐ฉ, ๐ข๐๐ฉ๐๐ฉ๐๐ฃ๐๐, ๐๐ฉ ๐๐๐๐๐๐ง๐๐ฃ๐ฉ๐ก๐ฎ-๐๐๐ก๐๐ na pinakamahirap ang estado tuwing may paglikasโmga tinitiis ang lamig, baho, at dumi ng baha, nahihirapan dahil sa kapansanan o edad, at walang makuha na agarang gamot o tulong-medikal.
At mga ๐ข๐๐๐จ๐๐จ๐๐ ๐โ๐ฉ ๐ข๐๐ฃ๐๐๐ฃ๐๐๐จ๐๐ sa mga lalawigan na sa isang idlap lang ay nalulubog ang buong sakahan at nasisira ang mga bangkaโmga taong nagpapakain sa buong bansa pero sila pa ang unang walang panlaman ng tiyan at umaahon sa baon na ngang utang.
Habang ang mamamayan ay naghihingalo sa bawat pagbuhos ng ulan, nasaan ang mga tiwaling politiko? Ayunโmasarap ang tulog sa loob ng kanilang mga ๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐-๐๐๐๐๐๐, ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐. Hindi sila nababasa ng baha dahil ligtas sila sa tore ng kanilang kasakiman, habang ang taumbayan ang nagbabayad ng presyo ng kanilang panlilinlang at kapabayaan.
Hanggat ang sistemang ito ay patuloy na pinatatakbo ng mga ganid, ang mamamayan ang nagiging ๐๐ค๐ก๐ก๐๐ฉ๐๐ง๐๐ก ๐๐๐ข๐๐๐ ng walang katapusang kapabayaan.
๐ฏ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐
-๐
๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐
๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐?