14/08/2026
"Nanginginig laman ko sayo..."
Mga mare, bago kayo manginig sa mga nababasa online, source muna! Baka pati si Aling Bagang, medical technologist at content creator mula Meycauayan, Bulacan, manginig sa inyo kapag kung anu-ano na ang pinapakalat n’yo! 😅
Bilang mga magulang, okay lang magtanong—pero huwag agad maniwala sa sabi-sabi. Mag-fact-check, mag-verify, at makinig sa health professionals, lalo na kapag kalusugan ng mga anak ang usapan.
At para malinaw: ang MR vaccine ay ligtas at epektibo at nagbibigay-proteksyon laban sa measles at rubella.
“Kaya kung may pagkakataong maprotektahan ang ating mga anak, pabakunahan na natin!"