18/03/2026
Born to Belong! Each one of us has the right to a name, nationality, and citizenship.
Inilunsad ngayong araw, March 18, 2026, ang Philsys Birth Registration Assistance Program (PBRAP) at ang Mobile Free Late Birth Registration. Ito ay bunga ng pagtutulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Tarlac sa pangunguna ni Mayor Susan Yap, Philippine Statistics Authority (PSA)- Tarlac at ng City Civil Registry Office (CCRO).
Pinangunahan ni City Civil Registrar Atty. Eliseo L. Martinez, at OIC-Chief Statistical Specialist Bernadette Joy D. Ular ang launching, kasama ang iba pang kawani ng CCRO at PSA-Tarlac. Mga residenteng mula sa Poblacion, Tibagan, Balibago II at Batang-Batang ang mga naging benepisyaryo ng nasabing programa, na malugod na sinamahan ng kani-kanilang mga Kapitan na sina Kap. Justine Rodriguez, Kap. Michael Tabamo, Kap. Archie Dayan at Kap. Susan Castillo.
Ang birth certificate ay kinakailangang ipa-rehistro 30 days mula araw ng kapanganakan. Matapos ang 30 reglementary period, ito ay ikokonsiderang โlateโ. Ang PBRAP ay nakalaan para sa mga indigents, Indigenous Peoples at Muslims. Lahat ng may rehistradong birth certificates ay maaari nang magkaroon ng PhilSys ID.
Abangan lamang po ang announcement dito sa CCRO Page, o sa FB Page ng Tarlac City Government at FB Page ng butihing Mayor Susan Yap, para sa mga susunod na schedule.