21/08/2026
Buti na lang may Pamilya Angeles.. mga anghel sa lupa😇😇😇🥰❤️🙏
Lagi natin naririnig ang mga katagang "buti na lang may Cong Cristy Angeles" at yan ay hindi kataka dahil ang pamilyang Angeles ay NEVER nagpabaya sa pangangailangan ng kanilang mga nasasakupan lalo na sa panahon ng hirap at kalamidad at lalo sa Barangay San Vicente💪🥰🙏
Sa tulong at pakikipag coordinate ng ating tunay na mapag malasakit na Kapitan, Hon. MARK JOSEPH D. TURLA kasama ang TEAM MAGKAISA, kagawad Mar Cabarios, kagawad Roger Liquiran, kagawad Dindo Agdeppa, Kagawad Mahmoud Hegazy at Kagawad Ray De Guzman ang pamilya Angeles ay muling nagpa abot ng kanilang pag mamahal at tulong sa ating mga ka-barangay na lubhang nasalanta ng nag daan na mga bagyo at habagat. Personal na humarap at namigay ng pagmamahal, inspirasyon at mga food box ang napaka bait at napaka gandang Vice Mayor ng Tarlac City na si Vice Mayor KT Angels kasama ang mga butihing kagawad ng ating Siyudad na sina Hon. Cesar Go, at Weng Quiroz. Andun din ang ating ka brgy na Board Member Aaron Villaflor at si Board Member Dennis Tañedo-Go, sir TonTon Torres, Sir Louie Juico, ABC President, Cernan Cruz at mga representante ng DSWD upang umalalay at masaksihan ang nasabing pamamahagi.
Buong pusong pasasalamat at pag mamahal ang ipinaaabot ng mga residente ng San Vicente lalo ng blk 1 sa maayos na pakikiharap ni Vice Mayor KT na may pagalang at malasakit sa lahat at sa mga food box na kanilang ipinamahagi. Maraming salamat din sa mga naging instrumento para maipaabot sa mga nasalanta ang pagpapala na ito lalo na sa ating mahal na Kapitan, Kap Mark Otep Turla at Team Magkaisa na patuloy ang serbisyong puspus ng pag mamahal sa ating Barangay.❤️🙏
Tuloy tuloy ang pag kalinga ng administrasyon Turla na may tunay na malasakit at pagkalinga. Tuloy tuloy ang bayanihan sa ating komunidad kaya tuloy tuloy ang progresso at asenso ng Barangay San Vicente 💪❤️🙏