Tarlac Provincial Youth Development Office

Tarlac Provincial Youth Development Office This is the official page of Provincial Youth Development Office in the Province of Tarlac.
(1)

PGT, Naghandog ng Upuang Kahoy sa San ClementePatuloy ang pag-alalay ng kalidad na serbisyo ng Pamahalaang Panlalawigan ...
08/07/2026

PGT, Naghandog ng Upuang Kahoy sa San Clemente

Patuloy ang pag-alalay ng kalidad na serbisyo ng Pamahalaang Panlalawigan ng Tarlac sa sektor ng edukasyon sa pamamagitan ng paghahandog ng mga bagong upuang kahoy para sa mga mag-aaral sa bayan ng San Clemente ngayong araw, Hulyo 8.

Sa pamumuno ni Governor Christian Yap, kaagapay si Vice Governor Lita Aquino, at sa tulong ng Provincial Youth Development Office (PYDO), personal na ipinamahagi ang mga upuang ito na magbibigay ng mas maayos at maginhawang puwesto sa mga bata habang nag-aaral.

Ang proyektong ito ay bahagi ng walang humpay na pagsisikap ng pamahalaan na mapunan ang mga pangangailangan ng mga lokal na paaralan, tungo sa mas maliwanag na kinabukasan ng kabataang Tarlaqueรฑo.



30/06/2026

Isang paalala mula sa Provincial Government of Tarlac.

Maging mapagmatyag at magdoble-ingat para sa kaligtasan ng ating mga kabataan.

Kung may mapansing kahina-hinalang pangyayari, agad itong iulat sa kinauukulan. Sa ating pag-iingat at pakikipagtulungan, mas mapapanatili nating ligtas ang bawat Tarlaqueรฑo.

25/06/2026

๐Ÿ“ข ๐‹๐ข๐›๐ซ๐š๐ซ๐ฒ ๐€๐๐ฏ๐ข๐ฌ๐จ๐ซ๐ฒ

The ๐‚๐š๐ซ๐ฅ๐จ๐ฌ ๐. ๐‘๐จ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐จ ๐‹๐ข๐›๐ซ๐š๐ซ๐ฒ will implement its ๐๐„๐– ๐Ž๐๐„๐‘๐€๐“๐ˆ๐๐† ๐‡๐Ž๐”๐‘๐’ starting ๐Œ๐š๐ฒ ๐Ÿ’, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”.

๐Ÿ•— ๐Œ๐จ๐ง๐๐š๐ฒ โ€“ ๐…๐ซ๐ข๐๐š๐ฒ
๐Ÿ–:๐ŸŽ๐ŸŽ ๐€๐Œ โ€“ ๐Ÿ”:๐ŸŽ๐ŸŽ ๐๐Œ
๐Ÿ•— ๐’๐š๐ญ๐ฎ๐ซ๐๐š๐ฒ
๐Ÿ–:๐ŸŽ๐ŸŽ ๐€๐Œ โ€“ ๐Ÿ“:๐ŸŽ๐ŸŽ ๐๐Œ

All students and visitors are advised to take note of the updated schedule.

๐Ÿ“š ๐๐ฅ๐ž๐š๐ฌ๐ž ๐›๐ž ๐ ๐ฎ๐ข๐๐ž๐ ๐š๐œ๐œ๐จ๐ซ๐๐ข๐ง๐ ๐ฅ๐ฒ.

Thank you!

Kusina ng Kalinga, Pormal na Pinasinayaan sa Sitio Buno, MatatalaibPormal na pinasinayaan ang Kusina ng Kalinga sa Matat...
24/06/2026

Kusina ng Kalinga, Pormal na Pinasinayaan sa Sitio Buno, Matatalaib

Pormal na pinasinayaan ang Kusina ng Kalinga sa Matatalaib Buno Elementary School ngayong araw, Hunyo 24.

Layunin ng pasilidad na mapalakas ang sistema ng nutrisyon at kalusugan para sa ikabubuti ng mga mag-aaral na magdadala nang mas maayos na pang-unawa para sa kanilang pag-aaral. Sentro ng programang ito ang mga mag-aaral na klasipikado bilang underweight o kulang sa timbang.

Nakibahagi rin sa kaganapan sina Vice Governor Lita Aquino, kasama si Board Member Harmes Sembrano, upang magpahayag ng kagalakan sa pagbubukas ng bagong pasilidad na magiging kapaki-pakinabang para sa mas maayos na pangangalaga sa mga mag-aaral.

Mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Tarlac, sa pangunguna ni Governor Christian Yap, katuwang si Vice Governor Lita Aquino, ang proyektong ito ay bahagi ng adbokasiyang Tao Muna ng pamahalaan na may hangaring mailapit sa bawat sektor ng lipunan ang serbisyo at pagkalinga sa pamamagitan ng mga konkretong proyektong kapaki-pakinabang.



23/06/2026

โ€œMagandang araw ngayon para bigyan ng mga award โ€˜yong mga nagbigay ng parangal sa ating probinsya. Ang mga atleta na nagtagumpay sa CLRAA at sa Palarong Pambansa. Kino-congratulate ko lahat ng atleta. Kayo ang ihemplo at inspirasyon ng ating mga kabataan dito sa probinsya.โ€

Sa pangunguna ni Governor Christian Yap, binigyang pagkilala at parangal ang mga atletang Tarlaqueรฑo na nagbigay dangal sa probinsya ng Tarlac sa ginanap na Central Luzon Regional Athletic Association (CLRAA) at Palarong Pambansa.

Ang aktibidad na ito ay simbolo ng patuloy na pagsuporta at pagbibigay halaga ng pamahalaan sa mga atletang Tarlaqueรฑo na patuloy na nagbibigay karangalan sa lalawigan.



23/06/2026

โ€œMalaking tulong po itong service na ito para sa amin dahil may mga ibang classroom po kami na nagkukulang po ng mga upuan o pinagtitiisan na lang po ng mga students โ€˜yong mga upuan nilang sira-sira.โ€

Lubos ang pasasalamat ng mga pamunuan ng mga paaralan sa Sta. Ignacia matapos mamahagi ng upuang kahoy ang Pamahalaang Panlalawigan ng Tarlac, sa pangangasiwa ng Provincial Youth Development office (PYDO) noong ika-18 ng Hunyo.

Sa ilalim ng pamumuno ni Governor Christian Yap, katuuwang si Vice Governor Lita Aquino, layunin ng programang ito na makapagbigay ng sapat na kagamitan sa mga paaralan para sa mas maginhawa at mas maayos na pagkatuto ng mga mag-aaral.



God Bless, Carl Gabriel G. Leaรฑo!๐Ÿ˜‡
21/06/2026

God Bless, Carl Gabriel G. Leaรฑo!๐Ÿ˜‡

The Boy Scouts of the Philippines proudly sends its four official youth delegates to the International Scout Youth Forum (ISYF) 2026, taking place from June 26 to 28, 2026 in Hong Kong under the theme, โ€œScouting it Out: Driving Change through Volunteering.โ€

Representing the Philippines are:
- Carl Gabriel Garcia Leaรฑo โ€“ Tarlac Council (CLR)
- Kyrth Justine Apostol Laitan โ€“ Quirino Council (NELR)
- Kyle Angelo Tumaliuan Diciano โ€“ Cagayan Northโ€“Tuguegarao City Council (NELR)
- Austine Barros Ceballo โ€“ Tagum City Council (EMR)

As they join fellow young leaders from across the Asia-Pacific Scout Region, may they proudly carry the voice of Filipino Scouts, foster meaningful collaboration, and demonstrate how service and leadership can create lasting impact.

We wish our delegates a fruitful and inspiring experience as they represent the Philippines with pride on the international Scouting stage.

20/06/2026

Isang kasaysayan sa Palarong Pambansa! ๐ŸŽฑโœจ

Matapos ang 11 taon, muling nag-uwi ng makasaysayang ginto ang probinsya ng Tarlac sa larangan ng billiards matapos makasungkit ng gintong medalya si Prince Crisann Delos Santos sa 8-ball Category. Dagdag pa rito, matagumpay rin niyang naiuwi ang silver medal sa 9-ball Category.

Mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Tarlac, sa pangunguna ni Governor Christian Yap, taos-puso ang pagkagalak at pagmamalaki ng buong probinsya sa kaniyang tagumpay sa ginanap na Palarong Pambansa nitong Mayo.






20/06/2026

Record breaker at gintong kampeon ng Tarlac! ๐Ÿฅ‡๐Ÿƒโ€โ™‚๏ธ

Buong pagmamalaking ipinagdiriwang ng buong lalawigan ang napakalaking tagumpay ni Philip Chris Rico sa Palarong Pambansa matapos masungkit ang gintong medalya sa 1500m Run kung saan siya ay nakapagtala ng bagong record sa oras na 4:00.02!

Bukod pa rito, matagumpay ding naiuwi ni Philip ang bronze medal sa 800m run para sa lalawigan.

Mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Tarlac, sa pangunguna ni Governor Christian Yap, isang saludo sa iyong galing, dedikasyon, at puso para sa palakasan, Philip!

Mabuhay ang mga atletang Tarlaqueรฑo!





Send a message to learn more

Address

IT Training Center, IT Park I, Tibag, Tarlac City
Tarlac
2300

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tarlac Provincial Youth Development Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share