04/06/2026
๐๐๐ ๐ฉ๐ข๐ฅ๐ข ๐ง๐ ๐๐ข๐ ๐ญ๐๐ฌ ๐๐ญ ๐๐ง๐ ๐ค๐จ๐ฉ ๐ง๐ ๐๐๐ฌ๐๐ญ๐ญ๐ฅ๐๐ฆ๐๐ง๐ญ ๐๐ข๐ญ๐ ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐๐ข๐ญ๐ข๐จ ๐๐ข๐ซ๐ข๐ญ๐, ๐๐๐ญ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ฒ ๐ง๐ ๐๐ญ๐ข๐ง๐๐ญ๐๐ ๐ฎ๐ฒ๐จ๐ ๐ง๐ ๐๐๐๐ ๐๐
Ngayong Hunyo 4, 2026, ganap na alas-8:00 ng umaga, nagsagawa ang NIA-Balog-Balog Multipurpose Project Phase II (BBMP-II) Project Management Office ng Actual Field Validation sa mga iminungkahing ari-arian bilang posibleng resettlement sites para sa mga Project-Affected Families (PAFs) ng Sitio Dirita, Barangay Maamot, San Jose, Tarlac.
Ang aktibidad ay dinaluhan ng mga kinatawan mula sa National Commission on Indigenous Peoples (NCIP), Mines and Geosciences Bureau (MGB), Local Government Unit (LGU) ng San Jose, mga Tribal Officials ng Sitio Dirita, at ilang apektadong pamilya. Layunin ng validation na masuri ang aktuwal na kondisyon, accessibility, topograpiya, at pangkalahatang kaangkupan ng mga nasabing lupain bilang permanenteng relocation site ng mga pamilyang maaapektuhan ng proyekto.
Sa isinagawang pag-iinspeksyon, personal na nakita at nasuri ng mga kalahok ang kalagayan ng mga ari-arian . Nagkaroon din ng talakayan hinggil sa mga posibleng benepisyo at limitasyon ng bawat lugar upang matiyak na ang mapipiling relocation site ay angkop sa pangangailangan at kapakanan ng mga maaapektuhang pamilya, lalo na ng mga Indigenous Peoples (IPs) ng Sitio Dirita.
Ang isinagawang field validation ay mahalagang hakbang sa proseso ng pagpili ng angkop na resettlement site upang matiyak na ang magiging desisyon ay naaayon sa teknikal na pamantayan, mga umiiral na regulasyon, at sa kagustuhan at kapakanan ng mga apektadong komunidad.
sa