02/10/2026
Binabati ko po kayo sa inyong pagkakatalaga bilang ika-7 Pangulo ng Tarlac State University. Basta lagi ninyo ho isaisip na ang bawat estudyante ang puso at dahilan ng ating unibersidad. Sa inyong pamumuno sana patuloy na marinig, mapahalagahan, at mabigyan ng pagkakataon ang bawat mag-aaral na maabot ang kanilang mga pangarap.
Sa mga nakaraang sesyon, nagkaroon tayo ng pagkakataong maiparating ang usapin hinggil sa absorptive capacity ng TSU. Tila nagkaroon na rin ng konkretong aksyon upang tugunan ang matagal nang hinaing at pangangailangan ng ating mga estudyante at ng pasilidad. 👏
Malaki pasasalamat natin nagkaroon tayo ng pondo mula sa ating National Government upang ilaan dito. Dahan dahan na-sosolusyunan natin ang mga problema sa edukasyon.
Mabuhay po kayo, at mabuhay ang TSU! ❤️✨