06/10/2026
๐ฃ๐๐จ๐ก๐๐ก๐ ๐๐๐ก๐๐๐ก ๐ก๐ ๐๐ ๐๐๐๐ก, ๐จ๐ ๐๐๐๐ข๐ง ๐ก๐ ๐ฆ๐ ๐๐ซ๐ง๐ฅ๐๐ ๐ ๐ก๐ข๐ฅ๐ง๐๐๐ฅ๐ก ๐๐จ๐ญ๐ข๐ก!
Umiiral na sa Extreme Northern Luzon ang paunang hangin ng amihan o ang northeasterly surface windflow ngayong umaga, ayon sa PAGASA.
Ang northeasterly surface windflow ay magdudulot ng maulap na papawirin at mahihinang pag-ulan sa Batanes at Babuyan Islands.
๐ฌ๏ธ Ang ๐ป๐ผ๐ฟ๐๐ต๐ฒ๐ฎ๐๐๐ฒ๐ฟ๐น๐ ๐๐ถ๐ป๐ฑ๐ณ๐น๐ผ๐ ang paunang hangin bago ang (northeast monsoon) na isa sa mga senyales na nalalapit na ang panahon ng amihan. Bagamaโt ito ay galing din sa hilagang-silangan, ang bugso nito ay mas mahina sa amihan at kadalasang hindi malamig ang dulot ng simoy ng hangin.
โ ๏ธ Ganunpaman, ๐๐๐ก๐๐ ๐๐๐๐ ๐ถ๐ป๐ฎ๐ฎ๐๐ฎ๐ต๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฏ๐ถ๐ด๐น๐ฎ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐น๐ฎ๐บ๐ถ๐ด ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ต๐ผ๐ป. Mas mararamdaman ang mga malamig na simoy ng hangin pagpasok ng Disyembre, ngunit posibleng mas mainit ngayong taon dahil sa epekto ng El Niรฑo.