29/08/2026
๐พโ๏ธ ๐จ๐ ๐จ๐๐๐ก ๐ ๐๐ก, ๐ง๐จ๐๐ข๐ฌ ๐๐ก๐ ๐ฆ๐๐ฅ๐๐๐ฆ๐ฌ๐ข ๐ฃ๐๐ฅ๐ ๐ฆ๐ ๐๐ง๐๐ก๐ ๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐!๐ถ๐ฑ๐ง๏ธ
Sa kabila ng maulan na panahon, matagumpay na naisagawa ngayong araw ang Free Spay and Neuter Program ng Tarlac City Veterinary Office sa pakikipag-ugnayan nina Mayor Susan Yap at IWCT Philippines.
Sa pangunguna ng ating City Veterinarian, Dr. Noel M. Soliman III, kasama ang mga masisipag na volunteer veterinarians ng IWCT Philippines sa pangunguna ni Dr. Roland Arciga, mahigit 50 a*o at pusa ang matagumpay na naoperahan. Layunin ng spaying at neutering na makatulong sa responsableng pagkontrol sa populasyon ng mga a*o at pusa, maiwasan ang hindi planadong pagpaparami, at mabawasan ang bilang ng mga hayop na maaaring mapabayaan o mapunta sa lansangan.๐๐โค๏ธ
Hindi lamang libreng operasyon ang hatid ng programaโnagkaroon din ng maikling talakayan tungkol sa Responsible Pet Ownership at Rabies Awareness, upang mas mapalawak ang kaalaman ng ating mga fur parents sa responsableng pag-aalaga ng kanilang mga a*o at pusa.
Maraming salamat din sa B-MEG Nutri Chunks sa kanilang pakikiisa at pagbibigay ng mga feed sampler para sa ating mga participants! ๐
๐๐๐งก Sa tulung-tulong na pagkilos, mas marami tayong magagawa para sa kapakanan ng ating mga hayop at ng ating komunidad!
-gdc