09/10/2026
๐ข ๐๐-๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐
Isinagawa ang isang Re-Mini Seminar para sa mga Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) at mga miyembro ng Barangay Council ng Barangay Tariji, Tarlac City sa pamumuno ni Barangay Chairman May Ann Montemayor Salvador, bilang bahagi ng patuloy na pagpapalawak ng kaalaman at kakayahan ng mga kawani ng barangay sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan at kaligtasan ng komunidad.
Tinalakay sa nasabing seminar ang mahahalagang paksa na magsisilbing gabay sa maayos at epektibong pagtupad sa kanilang mga tungkulin, kabilang ang mga sumusunod:
โ
Fire Prevention and Control
โ
Mga Tungkulin at Responsibilidad ng Bantay Bayan
โ
Republic Act 8485 o Animal Welfare Act
โ
Republic Act No. 9003 o Ecological Solid Waste Management
โ
Republic Act No. 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children (VAWC) Act
โ
Mga batas at alituntunin tungkol sa pag-aresto, Warrant of Arrest at Search Warrant
โ
Iba pang mahahalagang batas, ordinansa at mga tungkuling dapat ipatupad sa antas ng barangay
Nagsilbing mga tagapagsalita sina Pol. Col. Roldan N. Luna (Ret.), Pol. Col. Arthur L. Antonio (Ret.) at FSINSP Hermohenes Palomar Jr. (Ret.) na nagbahagi ng kanilang kaalaman at karanasan upang higit na maunawaan ng mga kalahok ang kanilang mga responsibilidad sa pagpapanatili ng kaayusan at pagpapatupad ng mga umiiral na batas.
Layunin ng aktibidad na higit pang mapalakas ang kakayahan ng mga BPAT at Barangay Council sa pagharap sa mga suliranin sa komunidad, pag-iwas sa mga insidente at pagbibigay ng maagap at angkop na serbisyo sa mga mamamayan.
Ang ganitong mga pagsasanay ay mahalagang hakbang tungo sa isang ligtas, maayos, disiplinado at mapayapang Barangay Tariji, Tarlac City.
Maraming salamat sa lahat ng naging bahagi ng matagumpay na pagsasagawa ng nasabing seminar! ๐ค
๐ซก