DepEd Tayo Pandakake ES - Tayabas City

DepEd Tayo Pandakake ES - Tayabas City This is one of multigrade school in the City Schools Division of the City of Tayabas.

Happy Happy Birthday Ma'am Shiela. Keep up the good work and may you continue to inspire all our learners.Godbless and T...
13/08/2022

Happy Happy Birthday Ma'am Shiela. Keep up the good work and may you continue to inspire all our learners.Godbless and Thank you for being a good teacher that we can be proud of💗

07/08/2022
Thank u so much 101 Cool FM💗Salamat po Sir Lyndon and Ma'am Khaye💗Ang aming paaralan po ay lubos n nagpapasalamat sa pag...
06/08/2022

Thank u so much 101 Cool FM💗
Salamat po Sir Lyndon and Ma'am Khaye💗
Ang aming paaralan po ay lubos n nagpapasalamat sa pagkakataon na maging bahagi ng inyong programa.Salamat po sa pagkakataon na maiparating sa ating mga mamamayan sa pamamagitan ng inyong estasyon ang aming kampanya sa Brigada Eskwela at Aguyod Learning Recovery.Salamat sa kakaibang experience s inyong station, masaya, nakakaba ngunit worth it💗Godbless po🙏☺️

05/08/2022

MAGITING NA TAYABASIN PARINI NA!
BRIGADA NA!

05/08/2022

PARINI NA! AGUYOD NA!

PESians, Stakeholders, nagkaisa para sa pagbubukas ng Brigada Eskwela 2022 “Isang malaking hamon para sa atin ang pagpap...
03/08/2022

PESians, Stakeholders, nagkaisa para sa pagbubukas ng Brigada Eskwela 2022

“Isang malaking hamon para sa atin ang pagpapanumbalik ng sigla at kaayusan ng ating paaralan. Ngunit sa tulong at suporta ng ating komunidad, alam kong makatutugon tayo sa bawat hamon na ating makahaharap. Hindi tayo nag – iisa sa ating laban dahil kasama natin ang dati at bagong stakeholders at kabalikat ng paaralan na tutugon sa hamon ng ligtas na Balik - aral”, ang mensahe ng Ulongguro III ng Pandakake Elementary School sa pagbubukas ng Brigada Eskwela 2022.
Kasama sa programa ng Brigada Eswela 2022 sina Kap. Oscar J. Maaño, Benji Alvarez, Aileen Zoreta, Kag.Manuel De Castro at Sec. Grace Revilla na kumakatawan sa sangguniang barangay. Layunin ng sanguniang barangay sa pangunguna ni Kap. Maaño ang mas paigtingin ang supporta na ibinibigay ng sanggunian at ng buong komunidad upang mas maisaayos ang programa ng barangay para sa paaralan.
Dumalo rin sa programa ang mga kinatawan ng Rise and Rebuild International Foundation na sina G. Marcelino Abril (Managing Director), G. Gamaliel Palad (Nutrition Coordinator) at Gng. Estella Cabriga (Feeding Coordinator) upang ipahayag ang pakikiisa sa balik aral ng mga bata.
“Kami po sa Rise and Rebuild International Foundation ay handang sumuporta sa inyong paaralan upang magbigay ng mga pagkain may sapat na nutritisyon sa ating mga mag – aaral. Naniniwala po kami na mas magiging maayos ang kanilang pag- aaral kung sila ay busog at may sapat na lakas para sa pag – aaral”, wika ni G. Marcelino Abril sa kanyang pagbabahagi ng layunin ng samahan sa pagtulong sa paaralan.
Kaugnay nito nilagdaan ng Rise and Rebuild International Foundation at ni Gng. De Sagun ang Memorandum of Agreement na nagsasabi ng pagkakaloob ng samahan ng supply ng pagkain para sa 120 feeding days para sa mga bata.
Pagkatapos ay namahagi ng mga gulay ang rise and rebuild international foundation sa mga magulang at mag – aaral na dumalo sa programa. Ang mga gulay na ipinamahagi ay nagmula sa farm ng foundation na matatagpuan sa Brgy. Piis, Lucban, Quezon.
Bukod sa pakikiisa ng Rise and Rebuild International Foundation, nakiisa rin sa programa ang University of Batangas sa pagbibigay supporta sa paaralan.
“Kami po sa University of Batangas ay hindi lamang nagtuturo ng kaalaman sa aming mga estudyante. Sa amin pong subject, nais po naming turuan sila na maging responsible at maging mapagkanggawa nang sa gayon ay maibahagi namin kung anong mayroon sa amin,” wika ni Dr. Nenita E. Cuevas, professor sa Pamantasan.
Kasama ng University of Batangas ang isang kinatawan ng Racquel Pawnshop na nagparating din ng supporta sa paaralan. Nagsidalo rin ang ilang mag – aaral ng University of Batangas na sina Hazel Estacio, Bryan Joshua Merjudio, Sheena Picache, at Glaiza Janolino upang magbigay ng regalo sa mga bata. Nagparating din ng pagsuporta sina Rhodora Malicad – Petterway at Maricel Silva para sa paaralan.
Sa pamamagitan ng paglagda sa Deed of Donation – Acceptance, tinanggap ng paarala ang iba’t ibang regalo mula sa samahan na magagamit sa balik aral ng mga bata.
Bukod pa rito, nagbigay din ng kaniyang tulong pinansiyal at suporta ang District Engineering Office ng Batangas.
Pagkatapos malagdaan ang MOA at Deed of Donation, isa isang pumirma ang mga magulangin at stakeholders upang ipahayaag ang kanilang buong suporta sa paaralan ngayong Brigada Eskwela 2022.

Magiting na Tayabasin, Parini na, Brigada Eskwela na! Ang Pandakake Elementary School ay patuloy na magbabahagi sa ating...
31/07/2022

Magiting na Tayabasin,
Parini na, Brigada Eskwela na!
Ang Pandakake Elementary School ay patuloy na magbabahagi sa ating mga mag aaral ng isang dekalidad at bagong normal na edukasyon kaya malugod po namin kayong inaanyayahan na makiisa, makialam at makibahagi para sa paghahanda ng paaralan sa muling pagbubukas nito para sa taong panuruan 2022-2023

TARA na, PARINI na! Makiisa sa ating Brigada Eskwela na may temang, " Brigada Eskwela, Tugon sa Hamong Ng Ligtas na Balik - Aral




Parini na, Enrol na🫶😍
26/07/2022

Parini na, Enrol na🫶😍

21/07/2022

3M sa PES AGUYOD !
TARA, SALI NA!
Magsaya, Matuto at maging MAGITING sa Pandakake
Elementary School🌟!
AGUYOD FOR LEARNING RECOVERY
Theme: "MAGITING NA AGUYURAN SA PAGBASA AT PAGBILANG PARA SA BATANG MASAYA AT MAY KUMPIYANSA"
🌟

Munting Pala PESians🥰🫶
14/07/2022

Munting Pala PESians
🥰🫶

Address

Pandakaki
Tayabas
4301

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Tayo Pandakake ES - Tayabas City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to DepEd Tayo Pandakake ES - Tayabas City:

Share