17/03/2026
SK BASKETBALL LEAGUE 2026 NG BARANGAY NANGKA,IBABA, MULING BIBIGYANG KATUPARAN!
Para sa lahat ng kabataang basketbolistang Nangkain kayo'y aming inaanyayahan na sumali sa ating nalalapit na SK Basketball League 2026.
Kung kaya po maaari na kayong kumuha at magpasa ng line - up form kay SK Treasurer Camille Francia hanggang Marso 31, 2026 ngunit ang nasabing aktibidad ay limitado lamang sa 7 slot kung kaya ito'y first come, first served.
Qualification:
- Open para sa lahat ng kabataang naninirahan o botante ng Brgy. Nangka, Ibaba
Requirements:
- Line - up form (min. 10 players; max. 15 players)
- Photocopy ng I.D ng bawat manlalaro o anumang dokumento na magpapatunay na siya ay naninirahan o botante ng Barangay Nangka, Ibaba.
- Entry Fee: Php 1,500.00
Mahalagang Paalala:
Ang pagsusumite ng line - up form ay hanggang ika - 31 ng Marso taong 2026 lamang kalakip ang mga sumusunod:
โข Photocopy ng I.D ng bawat manlalaro o anumang dokumento na magpapatunay na siya ay naninirahan o botante ng Barangay Nangka, Ibaba.
โข Entry Fee na nagkakahalagang Php 1,500.00 bawat kuponan.
Kailangan na kompleto ang entry fee bago i-sumite ang line - up form sapagkat ayon sa napagpulungan ng Sangguniang Kabataan ay hindi tatanggapin ang line - up form kung hindi kompleto ang entry fee.
PS: Opening date of our basketball league is on April 12, 2026. Thank you po๐ค