16/12/2024
Tayabas City, Platinum Awardee sa MBCRP!
Sa ginanap kamakailan na Manila Bay Day na may temang, "Celebrating Champions of the Environment," ginawaran ng Platinum Award ang Tayabas City bilang isa sa mga LGU na nakakuha ng mataas na marka sa 2023 LGU Compliance Assessment sa ilalim ng Manila Bay Clean-up, Rehabilitation, and Preservation Program.
Sa markang 86.98%, kabilang ang Tayabas City sa pangunguna ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso sa mga lokal na pamahalaan na nagkakampeon sa pagsusulong at implementasyon ng mga programang nangangalaga at nagbibigay-proteksyon sa kalikasan at kapaligiran.
Sa Tayabas City, tuloy-tuloy ang asenso at progreso sa pangunguna ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso. 🩷🩷🩷