08/09/2026
๐๐๐ง๐๐๐ซ ๐๐๐ง๐ฌ๐ข๐ญ๐ข๐ฏ๐ข๐ญ๐ฒ ๐๐ซ๐๐ข๐ง๐ข๐ง๐ (๐๐๐): ๐๐ฎ๐ข๐ฅ๐๐ข๐ง๐ ๐๐๐ง๐๐๐ซ- ๐๐๐ฌ๐ฉ๐จ๐ง๐ฌ๐ข๐ฏ๐ ๐๐๐๐๐๐ซ๐ฌ ๐ญ๐ก๐ซ๐จ๐ฎ๐ ๐ก ๐๐ข๐ฏ๐ข๐ฅ ๐๐๐ ๐ข๐ฌ๐ญ๐ซ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง, ๐๐๐ ๐๐๐ฐ๐ฌ ๐๐ง๐ ๐๐ง๐๐ฅ๐ฎ๐ฌ๐ข๐ฏ๐ ๐๐๐ซ๐๐ง๐ ๐๐ฒ ๐๐จ๐ฏ๐๐ซ๐ง๐๐ง๐๐ ๐๐จ๐ซ ๐๐ฅ๐๐๐ญ๐๐ ๐๐ง๐ ๐๐ฉ๐ฉ๐จ๐ข๐ง๐ญ๐๐ ๐๐๐๐ข๐๐ข๐๐ฅ ๐จ๐ ๐๐๐ง ๐๐ฌ๐ข๐๐ซ๐จ ๐๐จ๐ง๐ ๐๐
๐๐๐ฉ๐ญ๐๐ฆ๐๐๐ซ ๐๐, ๐๐๐๐ | ๐๐๐ฅ๐ข๐ฅ๐จ'๐ฌ ๐๐ฏ๐๐ง๐ญ ๐๐๐ฅ๐ฅ, ๐๐๐ฒ๐๐๐๐ฌ ๐๐ข๐ญ๐ฒ
Naging matagumpay ang isinagawang Gender Sensitivity Training (GST) ng City Gender and Development Office (CGAD) para sa mga halal at itinalagang opisyal ng Barangay San Isidro Zone II. Layunin ng aktibidad na mas mapalawak pa ang kaalaman at kamalayan ng mga kalahok tungkol sa gender sensitivity, mga mahahalagang batas sa Gender and Development (GAD), civil registration, at ang kahalagahan ng isang inklusibo at gender-responsive na pamamahala sa barangay.
Naging tagapagsalita sa pagsasanay si ๐ด๐. ๐ด๐๐๐
๐ ๐ถ๐๐
๐๐๐๐๐๐-๐ฑ๐๐
๐๐, ๐ถ๐ถ๐
/๐บ๐ด๐ท ๐น๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐/๐บ๐ธ๐ท๐๐ผ, na nagbahagi ng mga mahahalagang kaalaman at praktikal na gabay na makakatulong sa mga opisyal sa mas maayos at epektibong pagtupad ng kanilang tungkulin bilang mga lingkod-bayan. Tinalakay din sa sesyon ang kahalagahan ng paggalang sa karapatan ng bawat isa, pagsusulong ng pagkakapantay-pantay ng kasarian, at pagpapatupad ng mga programang tumutugon sa pangangailangan ng ibaโt ibang sektor ng komunidad.
Sa kabuuan, mas napalalim ang pag-unawa ng mga kalahok sa kahalagahan ng gender-responsive governance at sa kanilang papel sa pagtataguyod ng mga programang naglalayong magkaroon ng mas inklusibo, makatarungan, at dekalidad na serbisyong pampubliko para sa lahat.