Team KK - Kilos Kabataan

Team KK - Kilos Kabataan “K-abataang I-isa ang L-ayunin at O-rdinansa para sa S-angkabataan.”

Hello, Kabataan ng Lita! Lubos po ang aming pasasalamat sa lahat ng suporta at tulong na naibigay ninyo sa amin ng Team ...
04/11/2023

Hello, Kabataan ng Lita! Lubos po ang aming pasasalamat sa lahat ng suporta at tulong na naibigay ninyo sa amin ng Team KK. Bagama't hindi po tayo nakapasok ng buong grupo ay may tatlong magagaling at talagang maaasahang mga youth leaders na si Sebastian Ayala (221 votes), Phaula Deluya (209 votes) at si Daphne Jalla (195 votes) na siyang makakatulong ng tunay sa Kabataang Litanians.

Hindi man po kami lahat pinalad, lahat po kami sa aming grupo ay handang tumulong at magbigay boses sa mga kabataan ng Lita. Patuloy po ang aming pagbibigay aksyon at i-boses ang concerns na mayroon ang ating youth community. Muli, kami ang Team KK at magkita po muli tayo sa mga susunod na kabanata ng aming itataguyod na organisasyon.

MULA SA TEAM KK, MARAMING SALAMAT PO!💙✨

🖊: Arabella Arpon
🎨: Randel Camo



IT'S KAMPANYAHAN TIME DAY 9 and 10!Maraming salamat sa suporta at pagtangkilik sa amin sa SM ville pati na rin sa Sitio ...
28/10/2023

IT'S KAMPANYAHAN TIME DAY 9 and 10!

Maraming salamat sa suporta at pagtangkilik sa amin sa SM ville pati na rin sa Sitio Tower. Solid ang pagsasayaw at kantahan na ginawa nating lahat. Muli, Team KK po at Team Sales at maraming salamat sa inyo!

"BOSES NG KABATAAN, PARA SA MAKABAGONG PARAAN!" 💙✨



IT'S KAMPANYAHAN TIME DAY 7!Nakipagsayahan at kwentuhan ang Team KK at Team Sales sa Lita Phase 3, sa dating bahay ng am...
28/10/2023

IT'S KAMPANYAHAN TIME DAY 7!

Nakipagsayahan at kwentuhan ang Team KK at Team Sales sa Lita Phase 3, sa dating bahay ng aming Kapitan W***y Sales at kay Kagawad Teody Roxas na residence. Tuloy-tuloy ang awit at sayaw sa sitiong ito. Muli, ang ating team ay nagkaroon ng oras para ilathala ang mga posibleng proyekto at mga plataporma na siyang tunay na makakatulong sa Kabataan ng Lita, gayundin sa ating mga ka-Barangay.

Kami po ay taos pusong nagpapasalamat sa inyong pagtanggap sa amin.

"BOSES NG KABATAAN, PARA SA MAKABAGONG PARAAN!" 💙✨



Magandang gabi sa ating lahat, Litanians! Ngayon po ay inaanyayahan  namin kayo na pumunta upang makinig ng aming mga pl...
28/10/2023

Magandang gabi sa ating lahat, Litanians!

Ngayon po ay inaanyayahan namin kayo na pumunta upang makinig ng aming mga plataporma at adbokasiya para sa Kabataan ng Lita at ang ating mga ka-Barangay. Ito po ay gaganapin sa BASKETBALL COURT SA TAWER (LITA PHASE 3), ngayon pong ika-6:00pm ng hapon.

Huwag po kayong mahihiya, lahat po ay maaaring pumunta. Kita kits po tayo!



IT'S KAMPANYAHAN TIME DAY 6!Lubos po ang aming pasasalamat sa pagpapaunlak sa aming Team KK at Team Sales sa Lita Phase ...
26/10/2023

IT'S KAMPANYAHAN TIME DAY 6!

Lubos po ang aming pasasalamat sa pagpapaunlak sa aming Team KK at Team Sales sa Lita Phase 3. Nakakagaan po ng pakiramdam ang inyong pagsuporta at mga pagpalakpak sa tuwing kami ay nagbibigay ng aming mga plataporma at adhikain para sa Kabataan at para sa ating mga ka-Barangay.

Maraming salamat rin po sa pamilya ng mga Caseres sa pagbigay sa amin ng oportunidad upang makadaupang palad ang mga tao sa Lita Phase 3. Gayundin, salamat po sa mga taong nagmagandang loob upang kami ay bigyan ng kaunting tulong para matuloy ito. Solid ang saya, kapag kayo ang kasama!

"BOSES NG KABATAAN, PARA SA MAKABAGONG PARAAN!" 💙✨



IT'S KAMPANYAHAN TIME DAY 5!Ang Team KK at Team Sales ay nakipaghuntahan sa Lita Phase 2 at nakipagsayawan at kantahan s...
25/10/2023

IT'S KAMPANYAHAN TIME DAY 5!

Ang Team KK at Team Sales ay nakipaghuntahan sa Lita Phase 2 at nakipagsayawan at kantahan sa mga kabataan at ang ating mga ka-Barangay. Napakasarap sa pakiramdam ng inyong pagtangkilik sa aming lahat. Lugod po ang pasasalamat namin sa inyong lahat.

Gayundin po, marami pong salamat sa pamilya Anastacio sa pagtanggap sa aming paanyaya at sa aming mga sponsors na talaga namang nag-uumapaw.

Muli, lubos po ang aming pasasalamat sa inyong lahat!

"BOSES NG KABATAAN, PARA SA MAKABAGONG PARAAN"



IT'S KAMPANYAHAN TIME DAY 4!Binisita namin ang mga kabataan at ang aming mga ka-Barangay sa Lita Phase 2. Kami ay nakipa...
24/10/2023

IT'S KAMPANYAHAN TIME DAY 4!

Binisita namin ang mga kabataan at ang aming mga ka-Barangay sa Lita Phase 2. Kami ay nakipag-huntahan, sayawan, at kantahan na siyang nagpasaya sa lahat.

Gayundin, nagpapakilala ang Team KK sa pangunguna ng tatakbong SK Chairperson na si Arabella Arpon at sa Team Sales na si Kapitan W***y Sales. Kasama na rito ang mga plataporma at adbokasiya ng bawat isang SK Kagawad at SB Kagawad.

Maraming salamat po sa aming mga sponsors na si Tatay Cedenio para sa ating videoke at ang mag-asawang Araneta na nagpaunlak sa aming pagtitipon sa harap ng kanilang bahay.

Muli, maraming salamat sa mainit ninyong pagtanggap sa aming Team. Nawa, ay kasama namin kayo sa paglilingkod at progreso ng Barangay Lita.

"BOSES NG KABATAAN, PARA SA MAKABAGONG PARAAN!" 💙✨



HEADS UP KABATAAN NG LITA! Pwede na po uli nating makita ang mga numero ng ating presinto sa COMELEC.Check the link and ...
24/10/2023

HEADS UP KABATAAN NG LITA!

Pwede na po uli nating makita ang mga numero ng ating presinto sa COMELEC.

Check the link and make sure you find your name and precint!

Tandaan maging masiyasat na botante at maging matalino sa pagpili! Salamat!



The COMELEC Precinct Finder is now back online!

You may now search for your Polling Place in the October 30, 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections.

Just input the following info: FULL NAME, DATE OF BIRTH and PLACE OF REGISTRATION.

Scan the QR code or click this link:

🔗 https://precinctfinder.comelec.gov.ph/voter_precinct



Address

Brgy. Lita Phase 3
Tayabas
4327

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Team KK - Kilos Kabataan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share