12/10/2026
HAPPENING NOW | GLKTA 2026 PANEL INTERVIEW AND VALIDATION! โจ๐
Patuloy ang pagkilala sa husay, talento, pamumuno, at paglilingkod ng Kabataang Tayabasin!
Kasalukuyang isinasagawa ngayong Oktubre 12, 2026, sa Office of the City Mayor Conference Room, New Tayabas City Hall, ang Panel Interview and Validation para sa kauna-unahang Gintong Lingkod-Kabataan ng Tayabas Awards (GLKTA) 2026! โญ
Isa-isang ibinabahagi ng ating mga official nominees sa Panel of Evaluators ang kanilang mga nagawa, proyekto, adbokasiya, at mga makabuluhang kontribusyon para sa kabataan at kani-kanilang komunidad.
Higit sa pagpapakita ng mga parangal at tagumpay, layunin ng prosesong ito na mas makilala, mapakinggan, at mabigyang-halaga ang mga kwento ng pagsisikap at tunay na paglilingkod ng ating mga kabataan.
๐ Dahil ang GLKTA ay hindi lamang tungkol sa pagkapanalo, kundi sa pagkilala. Pagkilala sa mga kabataang patuloy na gumagawa ng paraan upang makapagbigay ng oportunidad, makapaghatid ng pagbabago, at maging inspirasyon sa kapwa nila Tayabasin.
Isa rin itong pagkakataon upang mapagbuklod ang mga kabataang may iba't ibang talento, kakayahan, at adbokasiya, ngunit iisa ang hangarin:
IANGAT ANG MGA KABATAANG TAYABASIN! ๐
Sa lahat ng ating official nominees, maraming salamat sa inyong dedikasyon, pagsisikap, at patuloy na paglilingkod. Anuman ang maging resulta, ang inyong mga kontribusyon ay karapat-dapat na makilala at ipagmalaki!
๐Lead with purpose. Serve with integrity. Create impact. Inspire Tayabas.