Tayabas City PESO

Tayabas City PESO Public Employment Service Office of Tayabas City is a non-fee charging multi-employment service facility.

It has three (3) core functions: (1) Referral and Placement, (2) Employment Coaching and Career Guidance, and (3) Labor Market Information

03/06/2026
Happy Birthday to our City Mayor ANTHONY "Kuya Piwa" LIM 🎂Greetings from: Tayabas City PESO 🥳
31/05/2026

Happy Birthday to our City Mayor ANTHONY "Kuya Piwa" LIM 🎂
Greetings from: Tayabas City PESO 🥳

29/05/2026
28/05/2026

ANNOUNCEMENT:
Para po sa mga nag asikaso ng PSA birth certificate noong nakaraang Labor Day Job Fair noong May 6, 2026 kasama ang mga First-TIme Jobseekers, maari nyo na pong kunin sa opisina ng Tayabas City PESO sa Ground Floor (right wing) New CIty Hall, Brgy. Baguio, Tayabas City simula ngayon. Salamat po.

TINGNAN || SUMAILALIM SA ORIENTATION AT CONTRACT SIGNING ANG IKALAWANG BATCH NG MGA TUPAD BENEFICIARIES SA TAYABASIsinag...
26/05/2026

TINGNAN || SUMAILALIM SA ORIENTATION AT CONTRACT SIGNING ANG IKALAWANG BATCH NG MGA TUPAD BENEFICIARIES SA TAYABAS

Isinagawa ngayong Martes, Mayo 26, 2026 ang orientation at contract signing ng 313 benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) mula sa iba’t ibang barangay sa Lungsod ng Tayabas.

Ang mga benepisyaryo ay nakatakdang magtrabaho sa loob ng sampung (10) araw at makatatanggap ng kabuuang P6,000 bilang tulong pangkabuhayan sa ilalim ng programa ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Inaasahang malaking tulong ang naturang programa upang masuportahan ang pang-araw-araw na pangangailangan ng mga benepisyaryo at kanilang mga pamilya.

Pinangunahan ni PESO Manager-Designate Malou Dichoso Montoya, katuwang si DOLE TUPAD Coordinator Mark Buzar at iba pang kawani ng DOLE, ang isinagawang orientation at contract signing para sa nasabing programa.


Nagkortesiya kay Mayor Piwa Lim ngayong Miyerkules, May 20, 2026, ang apat na Special Program for the Employment of Stud...
20/05/2026

Nagkortesiya kay Mayor Piwa Lim ngayong Miyerkules, May 20, 2026, ang apat na Special Program for the Employment of Students (SPES) beneficiaries na sina Elaisa Ireen Abrigo Alpay, Angelie Mae Lim Jalla, Chris John De las Alas, at Charles Justin Anoso, na nabigyan ng pagkakataon para magtrabaho sa Mcdonalds Primark sa loob ng 78-days simula sa Lunes, May 25, 2026.

Kasamang nagtungo ng mga SPES Beneficiaries sa tanggapan ng punong lungsod sina PESO Manager-Designate Mary Lou Dichoso-Montoya, DOLE Employment Focal Abigail P. Gilpo at Mcdonalds Restaurant Manager Vanessa De Ramos upang personal na ipaalam sa alkalde ang pagsisimula ng pagtatrabaho ng 4 na mag-aaral na kabilang sa mga SPES beneficiaries ng Lokal na Pamahalaan.


Nagkortesiya kay Mayor Piwa Lim ngayong Miyerkules, May 20, 2026, ang apat na Special Program for the Employment of Students (SPES) beneficiaries na sina Elaisa Ireen Abrigo Alpay, Angelie Mae Lim Jalla, Chris John De las Alas, at Charles Justin Anoso, na nabigyan ng pagkakataon para magtrabaho sa Mcdonalds Primark sa loob ng 78-days simula sa Lunes, May 25, 2026.

Kasamang nagtungo ng mga SPES Beneficiaries sa tanggapan ng punong lungsod sina PESO Manager-Designate Mary Lou Dichoso-Montoya, DOLE Employment Focal Abigail P. Gilpo at Mcdonalds Restaurant Manager Vanessa De Ramos upang personal na ipaalam sa alkalde ang pagsisimula ng pagtatrabaho ng 4 na mag-aaral na kabilang sa mga SPES beneficiaries ng Lokal na Pamahalaan.

Sandaang (100) Special Program for the Employment of Students (SPES) beneficiaries ang humarap kay Mayor Piwa Lim kasaba...
20/05/2026

Sandaang (100) Special Program for the Employment of Students (SPES) beneficiaries ang humarap kay Mayor Piwa Lim kasabay ng Orientation, Contract Signing and Oath-Taking Ceremony sa Atrium ng New Tayabas City Hall ngayong Miyerkukes, May 20, 2026.

Simula sa Lunes, May 25, 2026, ay maguumpisa na ng kanilang pagtatrabaho ang mga beneficiary na itatalaga sa iba’t-ibang tanggapan ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Tayabas. Tatagal ang kanilang appointment sa loob ng dalwampung (20) araw.

Pinangasiwaan ni Employment Focal-DOLE IV-A Quezon Senior Labor & Employment Officer Abigail P. Gilpo at AO-IV/HRMO-III Jen Rowe V. Valderamos-Pastrana ang orientation.

Pinamahalaan ng Public Employment Services Office sa pamumuno ni PESO Manager-Designate Mary Lou Dichoso-Montoya ang programa.


𝐑𝐄𝐀𝐃 | Labor Advisory No. 08, series of 2026 - 2025 Annual Establishment Report on Wages
18/05/2026

𝐑𝐄𝐀𝐃 | Labor Advisory No. 08, series of 2026 - 2025 Annual Establishment Report on Wages



“Mahalagang mailapit sa mga Tayabasin ang mga oportunidad sa trabaho upang mas marami ang magkaroon ng pagkakataong maka...
12/05/2026

“Mahalagang mailapit sa mga Tayabasin ang mga oportunidad sa trabaho upang mas marami ang magkaroon ng pagkakataong makapagsimula at makapagtaguyod ng kanilang pamilya.” Ito ang mensahe ni Mayor Piwa Lim sa tinaguriang “One Time-Big Time Job Fair and Mobile Services” ng Tayabas City Public Employment Service Office noong Miyerkules, May 6, 2026, sa Atrium ng New Tayabas City Hall.

Labindalawang (12) aplikante ang hired-on-the-spot ng mga employers na nag-participate sa job fair. Kabilang naman sa mga lumahok na emplyers ang Aboitiz Construction, Alfamart Trading Philippines, Banner Plasticard Inc., Omniworx, Inc., at iba pa.

Bagama’t lampas na sa petsa ay itinuring pa ring bahagi ng pagdiriwang ng Labor Day 2026 ang nasabing job fair. Ayun kay OIC - Provincial Head DOLE 4-A Quezon, Christina Barayang, sinadyang hindi sabay-sabay na isinagawa sa lalawigan ang mga job fairs noong labor day upang mas maraming pagkakataon ang mga job seekers ang makahanap ng trabaho. Pinasalamatan din niya ang Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Tayabas sa pagiging aktibong katuwang sa pagsasagawa ng mga programang nagbibigay ng oportunidad at suporta sa mga residente ng lungsod.

Batay sa tala ng Public Employment Service Office (PESO) na pinamumunuan ni PESO Manager-Designate Malou Montoya, umabot sa 198 ang kabuuang bilang ng mga aplikanteng dumalo sa job fair. Sa bilang na ito, 152 ang itinuring na qualified applicants, habang 12 naman ang agad na natanggap o hired on the spot (HOTS).

Ipinahayag din ni Mayor Piwa Lim na lalo pang paiigtingin at palalawakin ng kanyang administrasyon ang mga programang may layuning makapagbigay ng marangal at matatag na hanapbuhay para sa mamamayan.

Address

New Tayabas City Hall, Brgy. Baguio
Tayabas
4327

Opening Hours

Monday 8am - 5am
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639688520680

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tayabas City PESO posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Tayabas City PESO:

Share