SK Tongko

SK Tongko Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from SK Tongko, Government Organization, Brgy. Tongko City of Tayabas, Tayabas.

‎📣 ANNOUNCEMENT!!📣‎‎KABATAAN NG TONGKO‎"EDUCATIONAL ASSISTANCE PROGRAM"‎Batch 2 (College) ‎‎Bilang pagsuporta sa edukasy...
24/08/2026

‎📣 ANNOUNCEMENT!!📣

‎KABATAAN NG TONGKO
‎"EDUCATIONAL ASSISTANCE PROGRAM"
‎Batch 2 (College)

‎Bilang pagsuporta sa edukasyon ng mga Kabataan, ang Sangguniang Kabataan ng Barangay Tongko ay magsasagawa ng Educational Assistance Program para sa ating mga kabataan na nag-aaral ng College.


‎REQUIREMENTS:

‎•Barangay Indigency
‎• Registration Form/Enrollment Form
‎• Xerox copy of Updated School ID


‎📌 NOTE:
‎✅ Narito ang listahan ng mga estudyanteng kabilang sa College
‎✅ Ang listahan ay base sa mga nilista ng bawat SK na namaybay sa bawat Sitio
‎✅ Dapat ay kasalukuyang enrolled ngayong Academic Year 2026–2027
‎✅ No requirements = Removal from the list of beneficiaries

‎📌QUESTION:
‎Kanino/Saan ipapasa ang requirements?
‎Maaaring po kayong magpasa ng requirements sa Brgy. Hall ng Tongko pakilagay nalang po sa loob ng box na nasa ibabaw ng SK table. Make sure na naka stapler po ang inyong mga requirements upang hindi mapahiwalay/mawala.


‎Kung meron po kayung katanungan maari ninyo pong imessage:
‎SK Chairwoman Kristine May Papica
‎FB: Kristine May Papica
‎SK Secretary Realyn Nadres
‎FB: Rhea Orijuela Nadres
‎SK Kagawad: Maria Eloisa Rabo (Committee on Education)
‎FB: Maria Eloisa Rabo

‎FB Page: SK Tongko

‎🗓️DEADLINE OF SUBMISSION:
‎Until August 31, 2026

‎🎉 LINGGO NG KABATAAN 2026 🎉‎‎Matagumpay na naisagawa ng Sangguniang Kabataan ng Brgy. Tongko ang Linggo ng Kabataan 202...
24/08/2026

‎🎉 LINGGO NG KABATAAN 2026 🎉

‎Matagumpay na naisagawa ng Sangguniang Kabataan ng Brgy. Tongko ang Linggo ng Kabataan 2026 na may temang:

‎“Youth Advancing Multilateral Cooperation Through Technology and Partnership” 🤝💻

‎Sa pangunguna ni SK Chairperson Kristine May Papica, katuwang ang buong SK Officials, naging makabuluhan at masaya ang dalawang araw na selebrasyon para sa kabataan. 💙

‎📌 DAY 1 – TEAM BUILDING
‎📍 Auhana La Granja

‎📌 DAY 2 – SK MOBILE LEGENDS TOURNAMENT 🎮🏆

‎Ang dalawang araw na aktibidad ay nagbigay ng pagkakataon sa ating mga kabataan na magkaroon ng bagong kaibigan, mapalakas ang teamwork at camaraderie, at maipakita ang kanilang talento, skills, at sportsmanship.

‎Isang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng nakiisa, sumuporta, at nakibahagi sa Linggo ng Kabataan 2026! ❤️

SK EDUCATIONAL ASSISTANCE (SHS) 🤝 KKDAT SEMINAR‎‎Isang matagumpay na araw ang naganap noong Agosto 16, 2026, sa KKDAT Se...
24/08/2026

SK EDUCATIONAL ASSISTANCE (SHS) 🤝 KKDAT SEMINAR

‎Isang matagumpay na araw ang naganap noong Agosto 16, 2026, sa KKDAT Seminar at pamamahagi ng SK Educational Assistance sa Barangay Tongko. Sa pamumuno ni SK Chairperson Kristine May Papica katuwang ang mga SK Officials ng Barangay.

‎Ang programang ito ay naglalayon na suportahan ang mga Kabataan sa kabilang pag-aaral. Gayundin, ang bigyang kaalaman ang mga Kabataan laban sa illegal na droga upang ilayo sila sa masamang bisyo.

‎Taos-pusong nagpapasalamat ang Sangguniang Kabataan ng Tongko kay PLTCO BONNA ABUYAN OBMERGA Chief of Police of Tayabas City na sa pagbabahagi ng kanyang kaalaman bilang tagapagsalita sa "Kabataan Kontra Droga At Terrorismo" (KKDAT) Seminar.

‎Sa kabuuan ay may bilang na 34 na mag-aaral ng Barangay Tongko ang nabigyan ng educational assistance ng SK Tongko sa senior high school.

‎Lubos na pasasalamat din sa mga Kabataan ng Barangay Tongko na patuloy na sumusuporta sa mga program at proyekto ng Sangguniang Kabataan ng Tongko.

🎮🔥 ATTENTION, KABATAAN NG TONGKO! 🔥🎮Inaanyayahan namin ang lahat ng Kabataan ng Tongko na makisaya at manood ng ating MO...
22/08/2026

🎮🔥 ATTENTION, KABATAAN NG TONGKO! 🔥🎮

Inaanyayahan namin ang lahat ng Kabataan ng Tongko na makisaya at manood ng ating MOBILE LEGENDS TOURNAMENT!

Get ready for an epic battle of strategy, teamwork, and skills! 🏆⚔️

📢 MOBILE LEGENDS TOURNAMENT 📢
🏅 1-DAY LEAGUE
📅 August 23, 2026
⏰ 8:00 AM
📍 Brgy. Hall of Tongko

Gather your squad, sharpen your skills, and fight your way to victory! 💪🎮 May the best team win! 🏆

Bring your best heroes, best strategies, and strongest teamwork! 🔥

See you on the battlefield!

Tara na at makiisa sa ating TEAM BUILDING sa Auhana La Granja, Brgy. Anos, Tayabas City! 🏕️💚August 21,2026✨ FREE REGISTR...
17/08/2026

Tara na at makiisa sa ating TEAM BUILDING sa
Auhana La Granja, Brgy. Anos, Tayabas City! 🏕️💚

August 21,2026

✨ FREE REGISTRATION! ✨

🚐 Transportation – PROVIDED
🍱 Meals – PROVIDED
🎒 Bring your own personal belongings
👕 Magdala ng extra shirt para ready sa mga activities!

Sasama ka lang at makikisaya! 😍🙌

Isang araw ng fun, bonding, teamwork, at unforgettable memories kasama ang kapwa kabataan! 🤝💚

HALINA, KABATAAN! SABAY-SABAY TAYONG MAG-BONDING, MAG-ENJOY, AT MAKISAYA! 💚🙌

Paalala: Kinakailangan ang signed waiver form upang makasama sa activity.
Para sa waiver form at iba pang impormasyon, maaaring mag-PM sa SK Page, o makipag-ugnayan sa inyong SK Kagawad at SK Chairman.
Maraming salamat, at inaasahan namin ang inyong pakikilahok!

Address

Brgy. Tongko City Of Tayabas
Tayabas

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SK Tongko posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share