25/07/2025
Balitakalikasan: Inisyatibo Laban sa Baha, Isinusulong ang โAdopt-a-Treeโ Program
Hulyo 25, 2025 โ Isang makabuluhang hakbang laban sa patuloy na banta ng pagbaha ang inilunsad ng Angat Kalikasan Pilipinas sa pamamagitan ng Adopt-a-Tree Program, isang proyekto na layuning magtanim ng mga punong katutubo [native trees] upang mapatatag ang kapaligiran at maiwasan ang sakuna na inilunsad noong miyerkules.
Sa halagang Php 250, maaaring makapag-ambag ang sinuman sa pagtatanim ng isang punlaโhindi basta punong-kahoy, kundi mga katutubong uri ng puno.
Ayon sa organisasyon, โBawat punla ay hakbang palayo sa sakuna. Kayaโt hinihikayat namin ang lahat na makiisa at maging bahagi ng solusyon.โ
Bukod sa pagtatanim, sinisiguro rin ng programa ang tamang pag-aalaga sa mga punla hanggang sa silaโy lumaki nang maayos. Tumatanggap din ang grupo ng kahit anong halaga ng donasyon, ayon sa kakayanan ng bawat isa.
Para sa mga nais tumulong, maaaring magpadala ng donasyon sa:
G-Cash: 09627453299
Pangalan: Maricris Sausa
Ang proyektong ito ay bahagi ng mas malawak na kampanya na tinatawag na , na layuning makapagtanim ng libu-libong puno sa mga lugar na madalas bahain.
Bakit katutubong uri ng puno?
Hindi lamang basta pagtatanim ng puno ang solusyon sa problema sa baha ngunit mahalaga ring tiyaking katutubo o likas sa ating kapaligiran ang mga itatanim. Ayon sa isang pag-aaral ni Ruth Cordero, ang mga punong katutubo ay mahalaga sa pagbawas ng panganib ng pagbaha dahil sa kanilang kakayahang pigilan ang pagguho ng lupa, sumipsip ng tubig sa pamamagitan ng ugat, at saluhin ang ulan bago ito dumaloy sa lupa.
Sama-sama, kayang-kaya!
Sa gitna ng lumalalang epekto ng pagbabago ng klima, ang simpleng pagtatanim ng puno ay isang konkretong hakbang tungo sa mas ligtas, mas luntian, at mas matatag na kinabukasan para sa lahat.
Reference:
Cordero, R. (2022). Community Tree Species Preferences in Zambales, Philippines. Open Journal of Ecology, 12, 629โ637. https://doi.org/10.4236/oje.2022.1210036
Flood control, ito 'yun!
Hindi lang basta punoโmga punong katutubo ang tunay na proteksyon.
Bawat punla ay hakbang palayo sa sakuna.
Sumuporta sa aming Adopt-a-Tree Program for Php 250! ๐ฟ
Sa halaga na ito, makakapagtanim ka ng isang punla at masisiguro ang pag-aalaga nito. Tumatanggap din kami ng anumang halaga na iyong makayanan, dahil ang bawat ambag ay mahalaga.
Maging bahagi ng solusyon! Para sa donasyon, eto ang aming account:
G-cash
09627453299
Maricris Sausa.
Sama-sama nating gawing luntian ang ating kinabukasan!