14/02/2026
Sa Barangay Pag-asa, ang bawat puso ay may kwento… at bawat kwento ay may pag-asa.
Pa-chill at mini contest tayo, kabataan ng Barangay Pag-asa!
"𝑯𝑬𝑨𝑹𝑻’𝑺 𝑫𝑨𝒀 𝑺𝑷𝑬𝑪𝑰𝑨𝑳: 𝑷𝑼𝑺𝑶 𝑵𝑮 𝑷𝑨𝑮-𝑨𝑺𝑨"
Sa buwan ng mga puso, gusto naming marinig ang kwento mo!
𝑺𝑰𝑵𝑶 𝑨𝑵𝑮 𝑵𝑨𝑮𝑩𝑰𝑩𝑰𝑮𝑨𝒀 𝑵𝑮 𝑷𝑨𝑮-𝑨𝑺𝑨 𝑺𝑨 𝑷𝑼𝑺𝑶 𝑴𝑶?
Maaaring si Nanay na walang sawang nagmamahal, si Tatay na tahimik na nagsasakripisyo, si Bestie na laging nandyan, si Partner na karamay mo sa lahat, o kahit ang Furbaby na nagpapasaya sa araw mo.
Ibahagi ang taong nagbibigay liwanag, lakas, at pag-asa sa puso mo — at manalo ng exciting prizes!
𝐌𝐄𝐂𝐇𝐀𝐍𝐈𝐂𝐒
𝐌𝐀𝐆-𝐂𝐎𝐌𝐌𝐄𝐍𝐓:
Maglagay ng litrato at isulat sa comment section:
"Ang puso ko ay may pag-asa dahil kay [Pangalan/Sino sila], dahil [Bakit sila ang nagbibigay sa’yo ng pag-asa?]"
Paramihan ng Reactions:
Imbitahan ang iyong friends na mag-react sa iyong comment entry. Ang TOP 40 ENTRIES na may pinakamaraming reactions ang mabibigyan ng prizes (SIMPLE Merienda Packs)!
📍 Eksklusibo para sa mga residente ng Barangay Pag-asa, edad 15-30 years old.
📅 Deadline of entries: February 17, 2026 – 11:59 PM
📢 Announcement of winners: February 18, 2026