06/09/2026
๐๐๐๐ ๐ | ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ & ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ | ๐๐๐๐๐ ๐๐ร๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ **
Sa ika-siyam at huling araw ng Novena Mass, muling ipinamalas ni Mayor Norbert Salvame Lim ang kanyang taos-pusong pananampalataya, panata at pasasalamat sa Panginoon sa pamamagitan ng serye ng mga banal na Misa sa ibaโt ibang barangay ng Bayan ng Taytay.
Ngayong September 6, 2026, kasabay ng kanyang kaarawan, ginanap ang Day 9 at huling Novena Mass sa Santo Niรฑo de Abongan sa Barangay Abongan, na pinangunahan ni Rev. Fr. Philip Jerold F. Tan. DAY 9 | HULING NOVENA MASS & THANKSGIVING BIRTHDAY CELEBRATION OF MAYOR NORBERT LIM
Nakiisa sa banal na pagdiriwang sina Punong Barangay Marbert Batuta at mga Sangguniang Barangay Members, kasama sina LNB President Myrna G***r, mga Sangguniang Barangay Members ng Liminangcong, SKF President Jeric O. Dreo, Chief of Police ng Taytay MPS PMAJ Marvin L. Estigoy, 401st B MC, RMFB Company Commander PMAJ Ethell Mar M. Suettos, at Deputy Company Commander PLT Benedict Castillo Oliveros. Dumalo rin ang mga kaibigan, kasamahan, deboto, at mga minamahal ni Mayor Lim na nakiisa sa makabuluhang pagdiriwang.
Ang serye ng mga Novena Mass ay bahagi ng taunang panata ni Mayor Lim tuwing sasapit ang kanyang kaarawanโisang pagkakataon upang magpasalamat sa Panginoon para sa mga biyaya, lakas, mabuting kalusugan, at patuloy na paggabay sa kanyang buhay at paglilingkod sa mga Taytayano.
Matapos ang Banal na Misa, nagkaroon ng simpleng salo-salo at birthday celebration, kasama ang pamamahagi ng bigas para sa mga Senior Citizen ng barangay. Sa munting paraan, naipakita ang kanyang malasakit, pagmamahal at pagpapahalaga sa ating mga nakatatanda na mahalagang bahagi ng bawat pamilya at komunidad. ๐งก๐
Sa pagtatapos ng siyam na araw ng Novena Mass, nawaโy manatiling buhay ang diwa ng pananampalataya, pasasalamat, pagmamahal sa kapwa at pagkakaisa sa buong Bayan ng Taytay.
๐ Sa bawat panata, may pasasalamat.
Sa bawat panalangin, may pag-asa.
Sa bawat paglilingkod, may malasakit.
Patuloy ang pananampalataya. Patuloy ang pasasalamat. Patuloy ang paglilingkod.
๐๐งก Mabuhay ang bawat Taytayano!!
Part II