07/07/2026
Mga Magulang, Mag-aaral, at G**o, narito ang isang mahalagang paalala ukol sa opisyal na patnubay sa pagsususpinde ng klase at trabaho sa mga paaralan tuwing may bagyo o matinding pag-ulan, alinsunod sa pinakabagong DepEd Order No. 014, s. 2026 at DO No. 022, s. 2024.
I-save at i-share ang post na ito para sa kaligtasan ng lahat! π
πͺοΈ TROPICAL CYCLONE WIND SIGNALS (TCWS)
Kapag naglabas ang PAGASA ng Wind Signal sa inyong lugar, narito ang AUTOMATIC na suspension:
π’ Walang Signal (HAYO): Tuloy ang normal na klase. Laging mag-ingat!
π‘ TCWS Signal No. 1 (HINAY): AUTOMATIC na suspendido ang mga klase sa Kindergarten.
π‘ TCWS Signal No. 2 (HINAY): AUTOMATIC na suspendido ang in-person classes mula Kindergarten hanggang Junior High School (JHS).
π TCWS Signal No. 3 (HINGA): AUTOMATIC na suspendido ang in-person classes sa LAHAT ng antas (Kindergarten hanggang Senior High School), pati na rin ang ALS at trabaho sa mga paaralan.
π΄ TCWS Signal No. 4 o mas mataas (HINTO): AUTOMATIC na suspendido ang in-person classes sa LAHAT ng antas, pati ang ALS at trabaho sa paaralan. Full freeze sa akademikong demand upang unahin ang kaligtasan.
π§οΈ HEAVY RAINFALL WARNINGS & FLOODING
Huwag kalimutang tingnan ang kulay ng Rainfall Warning na inilalabas ng PAGASA:
π‘ YELLOW Rainfall Warning / Alarm Water Level: π DISCRETIONARY. Walang automatic suspension para sa lahat, ngunit ang inyong Local Chief Executive (LCE / Mayor) o iba pang kaukulang ahensya ng pamahalaan ang may kapangyarihang magsuspinde ng klase depende sa sitwasyon sa inyong komunidad.
π ORANGE Rainfall Warning / Critical Water Level: π AUTOMATIC SUSPENSION. Kanselado ang in-person classes sa LAHAT ng antas, kasama ang ALS at trabaho sa paaralan.
π΄ RED Rainfall Warning / Critical Water Level: π AUTOMATIC SUSPENSION. Kanselado ang in-person classes sa LAHAT ng antas, kasama ang ALS at trabaho sa paaralan.
π‘ MAHALAGANG PAALALA MULA SA DEPED:
Unahin ang Kaligtasan: Ang kapakanan, kaligtasan, at emosyonal na kalagayan (well-being) ng mga mag-aaral at g**o ang pangunahing prayoridad tuwing may emergency.
Makinig sa Inyong Lokal na Pamahalaan: Bukod sa mga automatic suspension na ito, panatilihing nakatutok sa anunsyo ng inyong mga Mayor o School Heads para sa mga localized suspension na dulot ng baha o sirang daan sa inyong partikular na lugar.
Maging Handa: Alamin ang inyong evacuation routes at laging makinig sa ulat ng panahon mula sa PAGASA.
Stay safe, mga ka-DepEd! π