24/08/2026
Tingnan ang ilan sa kaganapan | Agosto 23,2026
20 Taon ng Musika, Inspirasyon, at Pagkakaisa!*
Isang makabuluhang gabi ng musika at komunidad ang hatid ng Taytay Youth Philharmonic Orchestra sa kanilang
Resounding 20: Celebrating 20 Years of Music and Community isang fundraising concert na ginanap noong Agosto 23, 2026 sa Methodist Prayer Garden and Conference Site, Blooming Hills Subdivision, Taytay, Rizal.
Sa loob ng dalawang dekada, naging instrumento ang Taytay Youth Philharmonic Orchestra sa paghubog ng talento ng kabataan at sa pagpapalaganap ng pagmamahal sa musika, sining, at kultura. Ang kanilang paglalakbay ay patunay na ang talento ng kabataan, kapag sinuportahan at binigyan ng tamang pagkakataon, ay maaaring maging inspirasyon sa buong pamayanan. ๐ผโค๏ธ
Ang Local Government Unit of Taytay sa pamamagitan ng Taytay,Rizal Municipal Tourism and Cultural Affairs Office , ay buong-pusong nakikiisa at sumusuporta sa makabuluhang programang ito na nagbibigay-diin sa kahalagahan ng sining at kultura sa pagbuo ng isang mas masigla at nagkakaisang komunidad.
Buong suporta rin mula kina Mayor Allan De Leon Vice Mayor JV Cabitac at sa 13th Sangguniang Bayan of Taytay, Rizal kasama rin sa pag suporta si KuyaTol Aljohn De Leon para sa mga programang patuloy na nagbibigay ng pagkakataon sa ating mga kabataan na maipakita at mapaunlad ang kanilang mga talento.
Sa bawat himig, tugtugin, at pagtatanghal, patuloy nating pakinggan ang tinig ng kabataa isang himig ng pangarap, pag-asa, pagkakaisa, at pagmamahal sa Taytay.
Congratulations, Taytay Youth Philharmonic Orchestra, sa 20 taon ng musika at paglilingkod sa komunidad!** ๐ป๐ถ
Patuloy nating suportahan ang sining. Patuloy nating suportahan ang kabataan. Patuloy nating ipagmalaki ang Taytay!