01/07/2021
Press Release
July 1, 2021
'NO ANTIGEN, NO ENTRY POLICY' NA IPATUTUPAD SA MGA MUNISIPYO NA NASA ECQ CLASSIFICATION, SUPORTADO NG REGIONAL IATF
Sa pamamagitan ng letter of acknowledgement mula sa Office of the RIATF Chairperson, isinasaad dito ang pagsuporta nila sa Provincial Inter-Agency Task Force Resolution No. 007, series of 2021 na nakasaad na maaring magpatupad lamang ng 'No Antigen, No Entry Policy' ang mga munisipyo sa Palawan na nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) classification.
"Hindi na kailangan na mag-concur ang Regional IATF pagdating sa Antigen at RT PCR as requirement sa mga municipality and we acknowledged yung resolution na ipinadala nila sa amin. The members also agreed and has no violent reaction on the resolution," pahayag ni Regional Director Wilhelm Suyko, DILG/ Regional IATF Chairperson.
Agad naman na makikipag-ugnayan at magpapadala ng kopya ng resolusyon ang Provincial IATF sa mga munisipyo sa lalawigan.