04/09/2026
SETYEMBRE 04, 2026 "THANKS GOD IT'S FRIDAY"
Isang magandang araw na "BIYERNES" po sa atin lahat.
Inspeksyon sa PALENGKE ang amin sinasagawa sa araw araw umulan man or umaraw.
Isinasagawa po ang gawaing ito upang mapaganda at mas mapabuti ang ating lugar. Ang inyong pang-unawa at pagtutulungan ay lubos naming pinahahalagahan.
Lubos po kami nagpapasalamat sa mga VENDORS na sumunod at nakiisa sa atin mga alintuntunin.
Lagi po kami makikiusap sa mga may pwesto, kung gang saan lng po ang inyong PWESTO gang dun po ilagay ang inyong paninda hanggat maari po wag po kayo basta mag PARK ng inyong sasakyan sa harap ng inyong pwesto para sa kaluwagan ng daanan ng ating mamimili at para madali isagawa ang pag responde sakaling magkaroon ng Emergency.
Meron po tayo TIMBANGAN NG BAYAN na magbibigay-kapangyarihan sa mga mamimili na suriin ang bigat ng kanilang mga binili at protektahan ang kanilang mga sarili mula sa hindi makatarungang mga gawi sa kalakalan.
Meron Po Tayo naka STANDBY MEDIC para po sa mga gustong magpa BP (Blood Pressure) at makatulong sa pangunang Lunas.
Tuloy tuloy lang po ang Serbisyong may NGITI sa tulong ng ating butihin SMILE TAYTAY Mayor Allan De Leon🙂
Para sa Diyos, sa Bayan at sa kababayan natin Taytayeño
Panatilihing po natin malinis ang ating PALENGKE tulong tulong po natin linisin ang mga basura nakatambak para di po umalingasaw ang mabahong amoy.
Salamat po sa inyong kooperasyon, pagsunod at pang-unawa.
GOD Bless po sa ating LAHAT!
SALUTE TO ALL OTPM PERSONNEL!! ☺️