04/06/2026
Noong Hunyo 1, 2026, patuloy nating pinalalawak ang abot ng serbisyong medikal ng pamahalaan sa pamamagitan ng pagkakaloob ng dalawang Patient Transport Vehicles (PTVs) at iba’t ibang kagamitang medikal sa lalawigan ng Aklan bilang bahagi ng ating layuning makapaghatid ng agarang tulong at mas maayos na serbisyong pangkalusugan sa ating mga kababayan.
Kabilang sa mga ipinagkaloob ang dalawang ambulansya, isang low-temperature plasma sterilizer, isang fully automated PCR system, isang anesthesia machine, at apat na ventilator para sa Dr. Rafael S. Tumbokon Memorial Hospital upang higit pang mapalakas ang kakayahan nitong magbigay ng de-kalidad na serbisyong medikal sa mga mamamayan ng Aklan at iba pang lalawigan sa Western Visayas.
Pormal din tinanggap ni Governor Jose Enrique Miraflores ang mga ipinagkaloob na kagamitan, gayundin ang tsekeng nagkakahalaga ng ₱363,914.26 bilang bahagi ng lotto shares na nakalaan para sa lalawigan para sa July–December 2025. 🇵🇭
Ang programang ito ay kaakibat ng direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na palawakin at paghusayin ang serbisyong pangkalusugan ng pamahalaan upang mas maraming Pilipino ang makinabang at makatanggap ng kinakailangang tulong medikal saan mang panig ng bansa.
Sa pamumuno nina Chairman Retired Judge Felix Reyes at GM Melquiades "Mel" Robles, kasama sina Hon. Jennifer L. Guevara, Queen Imelda Papin, at ang inyong lingkod Janet de Leon-mercado, patuloy nating pinatitibay ang ating paninindigan na maglingkod nang tapat at buong puso para sa isang mas matatag at nagkakaisang Bagong Pilipinas. 🧡