Pamahalaang Barangay Muzon, Taytay, Rizal

Pamahalaang Barangay Muzon, Taytay, Rizal Ang Pagbabalik ng Ganda at Sigla ng Barangay Muzon.💙

SUSPENSYON NG FACE-TO-FACE CLASSES | SETYEMBRE 5, 2026 (SABADO)Dahil may mga mag-aaral sa Senior High School (SHS) at ko...
04/09/2026

SUSPENSYON NG FACE-TO-FACE CLASSES | SETYEMBRE 5, 2026 (SABADO)

Dahil may mga mag-aaral sa Senior High School (SHS) at kolehiyo na may nakatakdang klase tuwing Sabado, at dahil inaasahan pa rin ang patuloy na pag-ulan dulot ng Habagat, mananatiling SUSPENDIDO ang FACE-TO-FACE CLASSES sa lahat ng antas, pampubliko man o pribado, sa buong Bayan ng Taytay bukas, Sabado, Setyembre 5, 2026.

Ang suspensyon ay ipatutupad bilang pag-iingat at pagprotekta sa kaligtasan ng ating mga mag-aaral, g**o, at kawani sa gitna ng umiiral na sama ng panahon.

Patuloy na mag-ingat at manatiling nakatutok sa mga opisyal na abiso ng Pamahalaang Bayan at PAGASA.

Manatiling Ligtas, Taytayeños!

Happy Birthday po, Tita Susan Antonio! ✨💛💙
04/09/2026

Happy Birthday po, Tita Susan Antonio! ✨💛💙

03/09/2026

WALANG FACE-TO-FACE CLASSES | SEPTEMBER 4, 2026

Dahil sa masamang panahon, sa Yellow Heavy Rainfall Warning, at sa Orange Category sa Impact-Based Forecast na kasalukuyang nakataas sa Rizal Province, suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas, pampubliko at pribadong paaralan, ngayong Biyernes, Setyembre 4, 2026 sa bayan ng Taytay, Rizal.

Magpapatuloy ang pag-aaral sa pamamagitan ng AMDL o Alternative Modes of Delivery of Learning.

Mag-ingat, Taytay! Patuloy na subaybayan ang mga opisyal na updates.

HAPPENING NOW! Meeting with Manila Water and Visit  At Lagundi Creek. 💛💙Thank you po Mayor Allan De Leon sa patuloy na p...
03/09/2026

HAPPENING NOW!

Meeting with Manila Water and Visit At Lagundi Creek. 💛💙

Thank you po Mayor Allan De Leon sa patuloy na pagpapalinis ng mga creeks.

📢 HAPPENING NOW!🧑‍💼 MSWD Satellite Office📅 Mon–Fri | ⏰ 8AM–5PM🐾 LIBRENG ANTI-RABIES VACCINATION📅 Mon–Fri | ⏰ 8AM–5PM✅ Pa...
02/09/2026

📢 HAPPENING NOW!

🧑‍💼 MSWD Satellite Office
📅 Mon–Fri | ⏰ 8AM–5PM

🐾 LIBRENG ANTI-RABIES VACCINATION
📅 Mon–Fri | ⏰ 8AM–5PM
✅ Para sa PhilHealth Members Only

💛💙

Maligayang 3rd Anniversary, Tipones Zumba Mommies! 💃🎉Masayang pagbati at pasasalamat sa inyong masiglang samahan. Kasaba...
02/09/2026

Maligayang 3rd Anniversary, Tipones Zumba Mommies! 💃🎉
Masayang pagbati at pasasalamat sa inyong masiglang samahan. Kasabay nito, isang makabuluhang pagbisita sa Task Force Buklod Naples. Sama-sama para sa mas aktibo at nagkakaisang komunidad! 💙💛

PAALALA SA PUBLIKO | WALANG NAKATAKAS NA HIGH-PROFILE PRISONERS SA TAYTAY JAILMay kumakalat na voice message sa ilang ch...
01/09/2026

PAALALA SA PUBLIKO | WALANG NAKATAKAS NA HIGH-PROFILE PRISONERS SA TAYTAY JAIL

May kumakalat na voice message sa ilang chat groups na nagsasabing may mga nakatakas umano sa kulungan sa Taytay, kabilang ang mga high-profile na preso.

ITO AY HINDI TOTOO.

Ayon kay PLT COL Marlo N. Solero, Chief of Police ng Taytay Municipal Police Station, walang naganap na pagtakas ng mga preso sa Taytay Jail at walang insidenteng tulad ng ipinapakalat sa nasabing voice message.

Hinihikayat ang lahat na huwag magpakalat o mag-forward ng hindi beripikadong impormasyon na maaaring magdulot ng hindi kinakailangang pangamba sa ating komunidad.

Para sa mga opisyal at beripikadong impormasyon, sumubaybay lamang sa mga opisyal na communication channels ng Municipality of Taytay at Taytay Municipal Police Station.

Manatiling kalmado, mapanuri, at responsable sa pagbabahagi ng impormasyon.

Huwag magpakalat ng fake news. Mag-verify bago mag-share.

PUBLIC HEALTH ADVISORYBatay sa Weather Monitoring System ng Taytay Command Center, na makikita sa Smile Safe Taytay App,...
01/09/2026

PUBLIC HEALTH ADVISORY
Batay sa Weather Monitoring System ng Taytay Command Center, na makikita sa Smile Safe Taytay App, naitala ngayong 3:30 PM, Setyembre 1, 2026 ang PM2.5 level na 23.9 µg/m³ sa Bayan ng Taytay.
Ang PM2.5 ay maliliit na particulate matter sa hangin na maaaring malanghap at makapasok nang malalim sa baga. Dahil dito, pinapayuhan ang mga residente na mag-ingat at iwasan muna ang matagal na exposure sa labas, lalo na ang mga kabilang sa vulnerable groups.
PAALALA SA LAHAT:
• Iwasan muna ang matagal o hindi kinakailangang outdoor activities.
• Kung kinakailangang lumabas, magsuot ng well-fitting mask, lalo na kung may haze o usok sa paligid.
• Iwasan muna ang matitinding outdoor exercise.
• Panatilihing malinis at maayos ang hangin sa loob ng tahanan.
• Lalo pang mag-ingat ang mga bata, senior citizen, buntis, at mga may asthma o iba pang kondisyon sa baga at puso.
⚠️ Kung makaranas ng hirap sa paghinga, pananakit ng dibdib, matinding pag-ubo, o iba pang hindi pangkaraniwang sintomas, agad na kumonsulta sa pinakamalapit na health facility.
📱 Para sa real-time weather at environmental monitoring information sa Taytay, maaaring gamitin ang Smile Safe Taytay App.
Maging mapagmatyag. Sa bawat pagbabago sa ating kapaligiran, kalusugan at kaligtasan ang dapat unang isaalang-alang.

Paggunita sa kabayanihan at sakripisyo ng ating mga bayani. 🇵🇭💙💛 Mabuhay ang mga Pilipinong bayani, Maligayang Araw ng m...
31/08/2026

Paggunita sa kabayanihan at sakripisyo ng ating mga bayani. 🇵🇭💙💛

Mabuhay ang mga Pilipinong bayani, Maligayang Araw ng mga Bayani! 🇵🇭💙💛

Address

Manila East Road, Muzon
Taytay
1920

Telephone

+639053247053

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pamahalaang Barangay Muzon, Taytay, Rizal posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Pamahalaang Barangay Muzon, Taytay, Rizal:

Shortcuts

Share