08/03/2026
Tingnan ang ilan sa kaganapan | Pebrero 6, 2026
Ang paghahanda ng mga grupong kalahok sa Senakulo 2026 bilang bahagi ng nalalapit na pagdiriwang ng Semana Santa sa Bayan ng Taytay. Isinagawa ang isang mahalagang pagpupulong kung saan nagtipon-tipon ang mga organizer, group leaders, at mga miyembro na gaganap sa makabuluhang re-enactment ng buhay, paghihirap, at sakripisyo ni Hesukristo ngayong Mahal na Araw.
Makikita sa mga larawang ito ang mga taong magbibigay-buhay sa iba’t ibang eksena ng Senakulo—mga indibidwal na may pusong naglilingkod at handang ibahagi ang kanilang talento at debosyon upang maging makahulugan at kapupulutan ng aral ang pagtatanghal para sa buong komunidad.
Ang Senakulo ay isa sa mga tradisyong patuloy na pinapangalagaan ng mga Taytayeño tuwing Semana Santa—isang paalala ng pananampalataya, sakripisyo, at pagkakaisa ng bawat isa sa ating bayan.
Isinasagawa ang mga paghahandang ito sa buong suporta ng Pamahalaang Bayan ng Taytay sa pangunguna ni Mayor Allan De Leon, kasama si Vice Mayor JV Cabitac at ang 13th Sangguniang Bayan, na patuloy na nagtataguyod ng mga programang nagpapalakas sa kultura, tradisyon, at pananampalataya ng mamamayan.
🙏