05/10/2026
Kwentong kalsada at toxic masculinity 💁🏻♂️
Traffic sa palabas ng CME. Nasa gilid ang mga motor at ako na nakabisikleta, hoping makalusot sa gilid.
May naka motor sa likod ko. Sigaw nang sigaw. Sinisigawan yung motor sa unahan na hindi makasingit (masikip kasi talaga).
Yung may nakasingit na bike sa motor sa unahan sumigaw sya:
“Mas magaling pa yung naka bike sa’yo.”
Sa isip ko, so dapat ba mas magaling ang naka motor sa naka bike? I let it slide. Mainit lang sig**o (1:30pm ho ito 😅) kaya mainit ang ulo nya.
May nakasingit na babaeng naka motor sa kabilang side ng kalsada. Sumigaw na naman sya:
“Mas magaling pang mag-motor yung babae sa’yo!”
Nagpintig na ako dito. Sa isip ko, bakit, dapat ba mas magaling mag motor ang lalake sa babae?
Nilingon ko tas sinabihan ko: andami mo namang sinasabi.
Ayun, hinabol ako. Ang sabi sa akin:
“Bakit mo ako sinigawan? Ikaw ba sinasabihan ko? Bakla ka ba?”
Sa puntong ito, inisip ko na na kailangan ni kuya ng Gender and Development workshop. 😅 Ginagawang insulto sa lalaki ang galing ng babae, at ngayon, ginagawang insulto sa lalaki ang pagiging bakla.
Eto ba yung toxic masculinity? Bawal malamangan pag lalaki? Kailangan lalaki lagi ang mas magaling?
Kuya, 2026 na. 😫
Sa atin ding lahat, may we all be conscious about this matter. Hindi kasarian ang basehan ng galing. Periodt. 💁🏻♂️