05/09/2026
ATM: Relief Drive Operation @ San Simon, Pampanga 🤝
Narito po ngayon ang ating Punong Barangay Inye Pacleb, kasama ang Dolores Bdrrmo, Taytay Command Center - Mdrrmo at Mangkok Mountaineers sa San Simon, Pampanga upang magpaabot ng tulong sa mga residenteng nasalanta ng Habagat.
Isang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng tumulong at nagpaabot ng suporta. Ang inisyatibong ito ay ating simpleng paraan upang maiparamdam sa iba ang tulong na ating natanggap noong tayo rin ay nangailangan.
Nasa Pampanga man ang ibang kawani ng Dolores BDRMMO, patuloy ang pagbabantay at pagpapatrolya ng ating nakadeploy at standby personnel para sa kaligtasan ng Barangay Dolores. Handa kaming maglingkod anumang oras!
“Tulong tayo, ka-Barangay, para sa ating Kapwa Barangay!”