BJMP Taytay District Jail

BJMP Taytay District Jail The official page of Taytay District Jail

๐‰๐Ž๐ˆ๐๐“ ๐†๐‘๐„๐˜๐‡๐Ž๐”๐๐ƒ ๐Ž๐๐„๐‘๐€๐“๐ˆ๐Ž๐ ๐Š๐€๐’๐€๐Œ๐€ ๐€๐๐† ๐๐…๐Patuloy na pinaiigting ng BJMP Taytay District Jail ang mga hakbang pangsegurida...
22/08/2026

๐‰๐Ž๐ˆ๐๐“ ๐†๐‘๐„๐˜๐‡๐Ž๐”๐๐ƒ ๐Ž๐๐„๐‘๐€๐“๐ˆ๐Ž๐ ๐Š๐€๐’๐€๐Œ๐€ ๐€๐๐† ๐๐…๐

Patuloy na pinaiigting ng BJMP Taytay District Jail ang mga hakbang pangseguridad upang mapanatili ang isang ligtas, maayos, at walang ilegal na droga na pasilidad.

Isinagawa ang Joint Greyhound Operation sa pakikipag-ugnayan sa Bureau of Fire Protection (BFP). Layunin ng aktibidad na magsagawa ng masusing inspeksyon sa loob ng pasilidad.

Ang ganitong mga operasyon ay patunay ng patuloy na pakikipagtulungan ng BJMP at mga katuwang na ahensya upang mapanatili ang integridad ng pasilidad at matiyak ang kaligtasan ng mga PDL at ng mga kawani ng Piitan.

Ito ay sa ilalim ng pangangasiwa ni SJO4 Barbara G Lim, Hepe ng Piitan, nasa patnubay ni JSSUPT DEOGRACIAS F DE CASTILLO, Regional Director ng Jail Bureau, at JCINSP SANTIAGO B BUMOLYAD JR., Provincial Administrator ng Lalawigan ng Palawan.



21/08/2026

๐‘ณ๐’Š๐’Œ๐’‰๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘ณ๐’๐’๐’ƒ ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Bilang pakikiisa sa Made in the Philippines Week, tampok ang produktong gawa ng ating mga Persons Deprived of Liberty (PDL).

Sa bawat produktong nabubuo, makikita ang kanilang pagsisikap, pagkamalikhain, at pag-asa para sa panibagong kinabukasan.

๐‘ป๐’‚๐’๐’ˆ๐’Œ๐’Š๐’๐’Š๐’Œ๐’Š๐’ ๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘ณ๐’Š๐’Œ๐’‰๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘ณ๐’๐’๐’ƒ, ๐’Š๐’‘๐’‚๐’ˆ๐’Ž๐’‚๐’๐’‚๐’Œ๐’Š ๐’‚๐’๐’ˆ ๐’ˆ๐’‚๐’˜๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘ท๐’Š๐’๐’๐’š. ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ




๐Š๐š๐ฆ๐ฎ๐ฌ๐ญ๐š๐ก๐š๐ง ๐š๐ญ ๐Œ๐š๐ฅ๐š๐ฌ๐š๐ค๐ข๐ญ ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐๐š๐ฆ๐ข๐ฅ๐ฒ๐š ๐ง๐  ๐๐ƒ๐‹ ๐Ÿ’™Isinagawa ng BJMP Taytay District Jail ang PDL Family Visitation upang p...
20/08/2026

๐Š๐š๐ฆ๐ฎ๐ฌ๐ญ๐š๐ก๐š๐ง ๐š๐ญ ๐Œ๐š๐ฅ๐š๐ฌ๐š๐ค๐ข๐ญ ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐๐š๐ฆ๐ข๐ฅ๐ฒ๐š ๐ง๐  ๐๐ƒ๐‹ ๐Ÿ’™

Isinagawa ng BJMP Taytay District Jail ang PDL Family Visitation upang personal na kumustahin ang mga pamilya ng Persons Deprived of Liberty (PDL), maunawaan ang kanilang kalagayan, at mapatatag ang ugnayan sa kanilang mga mahal sa buhay.

Bilang bahagi ng aktibidad, sa pamamagitan ni JO1 John Keeply D Cervantes, namahagi rin ng mga gift pack bilang pagpapakita ng suporta at malasakit sa pamilya ng mga PDL.

Sapagkat ang malasakit ay hindi lamang nasusukat sa loob ng mga pader ng piitanโ€”umaabot din ito sa mga pamilyang patuloy na umaasa at sumusuporta. ๐Ÿค๐Ÿ’™

Ito ay sa ilalim ng pangangasiwa ni SJO4 Barbara G Lim, Hepe ng Piitan, nasa patnubay ni JSSUPT DEOGRACIAS FANIO DE CASTILLO, Regional Director ng Jail Bureau, at JCINSP SANTIAGO B BUMOLYAD JR., Provincial Administrator ng Lalawigan ng Palawan.





20/08/2026
๐‘ช๐‘ถ๐‘ผ๐‘น๐‘ป๐‘ฌ๐‘บ๐’€ ๐‘ช๐‘จ๐‘ณ๐‘ณ ๐‘บ๐‘จ ๐‘ด๐‘จ๐’€๐‘ถ๐‘น ๐‘จ๐‘ป ๐‘ฝ๐‘ฐ๐‘ช๐‘ฌ ๐‘ด๐‘จ๐’€๐‘ถ๐‘น ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘บ๐‘จ๐‘ต ๐‘ฝ๐‘ฐ๐‘ช๐‘ฌ๐‘ต๐‘ป๐‘ฌBilang bahagi ng pagpapatatag ng ugnayan sa lokal na pamahalaan, nags...
20/08/2026

๐‘ช๐‘ถ๐‘ผ๐‘น๐‘ป๐‘ฌ๐‘บ๐’€ ๐‘ช๐‘จ๐‘ณ๐‘ณ ๐‘บ๐‘จ ๐‘ด๐‘จ๐’€๐‘ถ๐‘น ๐‘จ๐‘ป ๐‘ฝ๐‘ฐ๐‘ช๐‘ฌ ๐‘ด๐‘จ๐’€๐‘ถ๐‘น ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘บ๐‘จ๐‘ต ๐‘ฝ๐‘ฐ๐‘ช๐‘ฌ๐‘ต๐‘ป๐‘ฌ

Bilang bahagi ng pagpapatatag ng ugnayan sa lokal na pamahalaan, nagsagawa ng courtesy call ang bagong talagang Hepe ng Piitan ng BJMP Taytay District Jail, SJO4 Barbara G Lim, kasama ang mga kawani ng piitan, kina Hon. Ramir R. Pablico, Municipal Mayor, at Hon. Maria Carmen L. Silagan, Municipal Vice Mayor ng San Vicente.

Naging pagkakataon ang pagbisita upang pormal na ipakilala ang bagong Hepe at mga kawani ng BJMP, gayundin upang maipabatid ang kalagayan ng mga Persons Deprived of Liberty (PDL) na residente ng San Vicente, Palawan na kasalukuyang nakapiiit sa Taytay District Jail, at matalakay ang mga usaping may kaugnayan sa kanilang kapakanan.

Nagsilbi rin itong mahalagang hakbang upang higit na mapalakas ang koordinasyon at pagtutulungan ng BJMP at Pamahalaang Bayan ng San Vicente, tungo sa mas maayos na pagtugon sa mga pangangailangan ng mga PDL at mas mahusay na paghahatid ng serbisyo publiko. ๐Ÿค๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ








20/08/2026
๐Ÿ– ๐๐ƒ๐‹ ๐’๐€ ๐“๐€๐˜๐“๐€๐˜ ๐ƒ๐ˆ๐’๐“๐‘๐ˆ๐‚๐“ ๐‰๐€๐ˆ๐‹, ๐๐€๐Š๐€๐“๐€๐๐†๐†๐€๐ ๐๐† ๐’๐’๐’ ๐Œ๐„๐Œ๐๐„๐‘๐’๐‡๐ˆ๐ ๐‘๐„๐‚๐Ž๐‘๐ƒ๐’Walong lalaking Persons Deprived of Liberty (PDL) sa...
19/08/2026

๐Ÿ– ๐๐ƒ๐‹ ๐’๐€ ๐“๐€๐˜๐“๐€๐˜ ๐ƒ๐ˆ๐’๐“๐‘๐ˆ๐‚๐“ ๐‰๐€๐ˆ๐‹, ๐๐€๐Š๐€๐“๐€๐๐†๐†๐€๐ ๐๐† ๐’๐’๐’ ๐Œ๐„๐Œ๐๐„๐‘๐’๐‡๐ˆ๐ ๐‘๐„๐‚๐Ž๐‘๐ƒ๐’

Walong lalaking Persons Deprived of Liberty (PDL) sa Taytay District Jail ang nakatanggap ng kanilang SSS Membership Data Record bilang bahagi ng hakbang upang mapalawak ang access nila sa social protection at mga benepisyo ng Social Security System.

Layunin ng aktibidad na matiyak na maayos na naipamahagi at natanggap ng mga PDL ang kanilang membership records, gayundin ang pagbibigay sa kanila ng access sa impormasyon tungkol sa kanilang SSS membership, mga benepisyo, at serbisyo.

Bahagi rin ito ng layunin ng pamunuan ng bilangguan na makamit ang 100 porsiyentong SSS registration ng kanilang PDL population upang masuportahan ang kanilang social at financial welfare, rehabilitasyon, at matagumpay na pagbabalik sa komunidad.

Pinangunahan nina Taytay District Jail Acting Jail Warden SJO4 Barbara Lim at Help Desk Officer JO1 Ma. Mique Gastilo ang pamamahagi ng mga dokumento.

Via: Leila Bingco

This news update is brought to you by:
1. ๐Œ๐ˆ๐†๐‡๐“๐˜ ๐‚๐„๐„ - The Alkaline Vitamin C.
2. ๐ƒ๐Ÿ‘๐๐ˆ๐Ž - The Anti-Bacterial Specialist
3. ๐ƒ๐“๐—๐Ÿ“๐ŸŽ๐ŸŽ - The Superior Antioxidant
4. ๐ƒ๐“๐—๐‚๐จ๐Ÿ๐Ÿ๐ž๐ž๐Œ๐ข๐ฑ - Love & Wellness in every cup

Mabibili sa Natures Healing Naturopathic Center โ€“ K5 News FM Compound, BM Road, Puerto Princesa, at sa iba pang mga pharma sa lungsod at lalawigan.

๐Ÿชช ๐‘ท๐‘จ๐‘ด๐‘จ๐‘ด๐‘จ๐‘ฏ๐‘จ๐‘ฎ๐‘ฐ ๐‘ต๐‘ฎ ๐’†๐‘ท๐‘ฏ๐‘ฐ๐‘ณ๐‘ฐ๐‘ซ ๐‘บ๐‘จ ๐‘ด๐‘ฎ๐‘จ ๐‘ท๐‘ซ๐‘ณSa panibagong rehistro, walong (8 ) Persons Deprived of Liberty (PDL) ng BJMP Taytay D...
19/08/2026

๐Ÿชช ๐‘ท๐‘จ๐‘ด๐‘จ๐‘ด๐‘จ๐‘ฏ๐‘จ๐‘ฎ๐‘ฐ ๐‘ต๐‘ฎ ๐’†๐‘ท๐‘ฏ๐‘ฐ๐‘ณ๐‘ฐ๐‘ซ ๐‘บ๐‘จ ๐‘ด๐‘ฎ๐‘จ ๐‘ท๐‘ซ๐‘ณ

Sa panibagong rehistro, walong (8 ) Persons Deprived of Liberty (PDL) ng BJMP Taytay District Jail ang tumanggap ng kanilang PSA electronic Philippine Identification (ePhilID) sa ilalim ng Help Desk Program.

Layunin ng programa na matulungan ang mga PDL na magkaroon ng wastong pagkakakilanlan at mas madaling access sa mga pangunahing serbisyo at programa ng pamahalaan.

Pinangasiwaan ang aktibidad ng BJMP Taytay District Jail sa ilalim ng pamumuno ni SJO4 Barbara G Lim, Hepe ng Piitan, bilang bahagi ng patuloy na pagtutok ng BJMP sa kapakanan at paghahanda ng mga PDL para sa kanilang pagbabalik sa komunidad.

Ito ay sa ilalim ng patnubay ni JSSUPT DEOGRACIAS F DE CASTILLO, Panrehiyong Direktor ng Kawanihan ng Pamamahala sa Piitan at Penolohiya, at ni JCINSP SANTIAGO B BUMOLYAD JR., Tagapangasiwa ng mga Piitan sa Lalawigan ng Palawan.

โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž

Walong PDL sa Taytay District Jail, opisyal nang miyembro ng SSSBuong ulat sa comments โฌ‡๏ธ
19/08/2026

Walong PDL sa Taytay District Jail, opisyal nang miyembro ng SSS

Buong ulat sa comments โฌ‡๏ธ

๐‘ป๐‘จ๐‘ณ๐‘จ๐‘ฒ๐‘จ๐’€๐‘จ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘ท๐‘จ๐‘ต๐‘ฎ๐‘ฒ๐‘จ๐‘ณ๐‘ผ๐‘บ๐‘ผ๐‘ฎ๐‘จ๐‘ต: ๐‘ฒ๐‘จ๐‘ด๐‘จ๐‘ณ๐‘จ๐’€๐‘จ๐‘ต ๐‘ป๐‘ผ๐‘ต๐‘ฎ๐‘ฒ๐‘ถ๐‘ณ ๐‘บ๐‘จ ๐‘ฏ๐‘ฐ๐‘ฝ ๐ŸฉบBilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng kamalayan sa kalusugan, n...
18/08/2026

๐‘ป๐‘จ๐‘ณ๐‘จ๐‘ฒ๐‘จ๐’€๐‘จ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘ท๐‘จ๐‘ต๐‘ฎ๐‘ฒ๐‘จ๐‘ณ๐‘ผ๐‘บ๐‘ผ๐‘ฎ๐‘จ๐‘ต: ๐‘ฒ๐‘จ๐‘ด๐‘จ๐‘ณ๐‘จ๐’€๐‘จ๐‘ต ๐‘ป๐‘ผ๐‘ต๐‘ฎ๐‘ฒ๐‘ถ๐‘ณ ๐‘บ๐‘จ ๐‘ฏ๐‘ฐ๐‘ฝ ๐Ÿฉบ

Bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng kamalayan sa kalusugan, nagsagawa si JO3 Jemani John C Forones, Jail Nurse, ng isang Talakayang Pangkalusugan tungkol sa Human Immunodeficiency Virus (HIV) para sa mga kawani ng BJMP Taytay District Jail.

Tinalakay ang mahahalagang impormasyon tungkol sa HIV, kabilang ang mga paraan ng pag-iwas, kahalagahan ng maagang pagpapasuri, at wastong pag-unawa upang maiwasan ang stigma at diskriminasyon.

Sa pamamagitan ng edukasyon at tamang impormasyon, layunin ng aktibidad na mapalawak ang kaalaman, mapalakas ang kamalayan, at mahikayat ang bawat kawani na maging responsable sa pangangalaga ng kanilang kalusugan.

Kaalaman ang susi sa mas malusog, ligtas, at responsableng pamayanan.




Address

Sitio Montevista, Brgy. Poblacion
Taytay
5312

Telephone

+63487261804

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BJMP Taytay District Jail posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to BJMP Taytay District Jail:

Shortcuts

Share