Rizal Police Provincial Office

Rizal Police Provincial Office Official page of Rizal Police Provincial office

PRESS RELEASEAugust 5, 2026‎Tatlong Regional Level Most Wanted, Arestado sa magkakahiwalay na operasyon ng Rizal PPO.‎‎M...
05/08/2026

PRESS RELEASE
August 5, 2026

‎Tatlong Regional Level Most Wanted, Arestado sa magkakahiwalay na operasyon ng Rizal PPO.

‎Muling ipinakita ng Rizal Police Provincial Office ang kanilang dedikasyon at kahusayan sa tungkulin matapos ang matagumpay na maaresto ang tatlong (3) Regional Level Most Wanted Person kahapon Aug 4, 2026 sa magkakahiwalay na operasyon.

‎Sa unang operasyon, dakong 1:15 PM, inaresto ng mga tauhan ng Taytay Municipal Police Station si alyas "Ramy", 55 taong gulang, sa Las Piñas City. Siya ay inaresto sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong R**e na walang inirekomendang piyansa.

‎Samantala, dakong 3:30 PM,sa loob mismo ng Morong Custodial Facility matagumpay ring inihain ng Morong Municipal Police Station kay alyas "Romnick", 36 taong gulang,ang kanyang warrant of arrest para sa kasong r**e na walang inirerekomendang piyansa.

‎Sa isa pang operasyon, dakong 3:45 PM, inaresto ng Binangonan Municipal Police Station si alyas "Che-Che", 40 taong gulang, sa Barangay Tagpos, Binangonan, Rizal. Siya ay inaresto sa bisa ng warrant para sa paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

‎Ang mga akusado ay maayos na pinaalalahanan ng kanilang karapatan ayon sa umiiral na batas. Kasalukuyan silang nasa kani-kanilang mga kustodiya para sa tamang proseso at wastong disposisyon.

‎Ayon naman kay PCOL ATTY Eleazar R Barber Jr., Provincial Director ng Rizal Police Office.,"‎Ang bawat naarestong wanted person ay isang hakbang tungo sa mas ligtas na komunidad. Mananatiling masigasig ang Rizal PPO sa paghahanap at pagdakip sa mga nagtatago sa batas.Hindi titigil ang Rizal PPO hangga't hindi naihaharap sa hukuman ang mga taong umiiwas sa pananagutan. Patuloy nating paiigtingin ang ating kampanya laban sa kriminalidad."

‎ # # # # # # # # # #

‎Authority : ATTY. ELEAZAR R BARBER JR
‎Police Colonel
‎Provincial Director
‎Action Officer : MARIESOL E TACTAQUIN
‎Police Major
‎Public Information Office
‎Facebook Account: https://www.facebook.com/RizalPpoPio/
‎Contact No.: (02)571-1147
‎Date: August 5, 2026

Rizal PPO News ReleaseAugust 5, 2026Baril at Droga Kumpiskado, Isa ArestadoMatagumpay na naaresto ng mga tauhan ng  Stat...
05/08/2026

Rizal PPO News Release
August 5, 2026

Baril at Droga Kumpiskado, Isa Arestado

Matagumpay na naaresto ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Team (SDET) ng Cainta Municipal Police Station ang isang idibidwal sa isinagawang buy-bust operation sa kahabaan ng Brgy. Sto. Domingo, Cainta, Rizal, dakong 12:25 ng tanghali kahapon ng Agosto 4, 2026.

Ang naarestong suspek ay kinilalang si alyas "Tanono," 30 taong gulang, na nahaharap sa kasong paglabag sa mga kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at Republic Act No. 10591 (Comprehensive Fi****ms and Ammunition Regulation Act).

Nakumpiska mula sa suspek ang limang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu na may tinatayang kabuuang timbang na humigit-kumulang limang (5) gramo at may tinatayang Standard Drug Price na PHP34,000.00. Narekober din ang isang kalibre .38 revolver, dalawang bala, isang sling bag, isang coin purse, isang PHP500.00 bill na ginamit bilang marked money, at PHP1,000.00 na hinihinalang nalikom mula sa ilegal na transaksyon.

Matapos maaresto, ipinaalam sa suspek ang kanyang mga karapatang konstitusyonal sa wikang kanyang nauunawaan at kasalukuyang nasa Cainta Municipal Custodial Facility habang inihahanda ang kaukulang kaso para sa kanya.

"Ang matagumpay na operasyong ito ay malinaw na patunay na walang puwang sa lalawigan ng Rizal ang mga sangkot sa ilegal na droga at iba pang kriminal na gawain. Ang sinumang patuloy na gumagawa ng krimen ay tiyak na mananagot sa umiiral na batas". Ani ni PCOL Atty. Eleazar R Barber Jr., Provincial Director

# # #

Authority : ATTY. ELEAZAR R BARBER JR
Police Colonel
Provincial Director
Action Officer : MARIESOL E TACTAQUIN
Police Major
Public Information Office
Facebook Account: https://www.facebook.com/RizalPpoPio/
Contact No.: (02)571-1147
Date: August 5, 2026

𝐑𝐢𝐳𝐚𝐥 𝐏𝐏𝐎 𝐀𝐧𝐧𝐮𝐚𝐥 𝐏𝐡𝐲𝐬𝐢𝐜𝐚𝐥 𝐄𝐱𝐚𝐦 2026Ngayong araw ng ika-5 ng Agosto 2026, ang Rizal Police Provincial Office sa ilalim ng...
05/08/2026

𝐑𝐢𝐳𝐚𝐥 𝐏𝐏𝐎 𝐀𝐧𝐧𝐮𝐚𝐥 𝐏𝐡𝐲𝐬𝐢𝐜𝐚𝐥 𝐄𝐱𝐚𝐦 2026

Ngayong araw ng ika-5 ng Agosto 2026, ang Rizal Police Provincial Office sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Atty. Eleazar R Barber Jr., Provincial Director ay nagkaroon ng Annual Physical Examination (2025) para sa lahat ng personnel na may edad 40 pataas.

Gayundin, ang nasabing aktibidad ay isinagawa ng Philipppine National Police Health Service katuwang ang Regional Medical and Dental Unit 4A at Rizal PPO Medical and Dental Team.

Layunin ng taunang physical examination na masubaybayan ang kalagayan ng kalusugan ng bawat PNP personnel, matukoy ang mga posibleng karamdaman sa maagang yugto, at matiyak na sila ay nananatiling malusog at handang gampanan ang kanilang tungkulin sa pagbibigay ng mahusay na serbisyo at pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa lalawigan.

#𝐁𝐚𝐠𝐨𝐧𝐠𝐏𝐍𝐏𝐩𝐚𝐫𝐚𝐬𝐚𝐁𝐚𝐠𝐨𝐧𝐠𝐏𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐚𝐬
#𝐒𝐞𝐫𝐛𝐢𝐬𝐲𝐨𝐧𝐠𝐌𝐚𝐛𝐢𝐥𝐢𝐬𝐓𝐚𝐩𝐚𝐭𝐚𝐭𝐍𝐚𝐫𝐚𝐫𝐚𝐦𝐝𝐚𝐦𝐚𝐧

𝐑𝐨𝐚𝐝 𝐒𝐚𝐟𝐞𝐭𝐲 𝐑𝐞𝐦𝐢𝐧𝐝𝐞𝐫𝐬
05/08/2026

𝐑𝐨𝐚𝐝 𝐒𝐚𝐟𝐞𝐭𝐲 𝐑𝐞𝐦𝐢𝐧𝐝𝐞𝐫𝐬

𝐀𝐧𝐭𝐢-𝐓𝐡𝐞𝐟𝐭 𝐒𝐚𝐟𝐞𝐭𝐲 𝐑𝐞𝐦𝐢𝐧𝐝𝐞𝐫𝐬
05/08/2026

𝐀𝐧𝐭𝐢-𝐓𝐡𝐞𝐟𝐭 𝐒𝐚𝐟𝐞𝐭𝐲 𝐑𝐞𝐦𝐢𝐧𝐝𝐞𝐫𝐬

𝐀𝐧𝐭𝐢-𝐑𝐨𝐛𝐛𝐞𝐫𝐲 𝐒𝐚𝐟𝐞𝐭𝐲 𝐑𝐞𝐦𝐢𝐧𝐝𝐞𝐫𝐬
05/08/2026

𝐀𝐧𝐭𝐢-𝐑𝐨𝐛𝐛𝐞𝐫𝐲 𝐒𝐚𝐟𝐞𝐭𝐲 𝐑𝐞𝐦𝐢𝐧𝐝𝐞𝐫𝐬

𝐀𝐧𝐭𝐢-𝐓𝐞𝐫𝐫𝐨𝐫𝐢𝐬𝐦 𝐂𝐚𝐦𝐩𝐚𝐢𝐠𝐧
05/08/2026

𝐀𝐧𝐭𝐢-𝐓𝐞𝐫𝐫𝐨𝐫𝐢𝐬𝐦 𝐂𝐚𝐦𝐩𝐚𝐢𝐠𝐧

𝐁𝐢𝐛𝐥𝐞 𝐕𝐞𝐫𝐬𝐞 𝐨𝐟 𝐭𝐡𝐞 𝐃𝐚𝐲
05/08/2026

𝐁𝐢𝐛𝐥𝐞 𝐕𝐞𝐫𝐬𝐞 𝐨𝐟 𝐭𝐡𝐞 𝐃𝐚𝐲

04/08/2026

CAMP MIGUEL MALVAR, Batangas City — A total of 193 fi****ms that were confiscated by authorities or voluntarily surrendered by their owners were presented by the Batangas Police Provincial Office (PPO) during the command visit of regional director BGen. Dominic Baccay to the provincial headquarter...

04/08/2026

Address

Cabrera Road, Brgy Dolores, Rizal
Taytay
1920

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Rizal Police Provincial Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share