Mayor Allan De Leon

Mayor Allan De Leon Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Mayor Allan De Leon, Government Official, New Taytay Municipal Hall, Taytay.

"Another year older, another year wiser, and another year more fabulous!” ✨— Momshie Hellen Valera, Madam Jenette Geroni...
02/09/2026

"Another year older, another year wiser, and another year more fabulous!” ✨

— Momshie Hellen Valera, Madam Jenette Geronimo and Ka Norie Lucas, Happy Birthday po! 🎉
Hiling ko po ang inyong walang-humpay na kaligayahan at mabuting kalusugan.
Lablab …💙

02/09/2026

Inter Department 2026
126th Philippine Civil Service Anniversary


Gigil na gigil at tila ba ako eh masusuntok pa ng Lola Zeny! Nagkita kami sa 90th birthday ni Ka Norie Lucas (may ari ng...
02/09/2026

Gigil na gigil at tila ba ako eh masusuntok pa ng Lola Zeny!
Nagkita kami sa 90th birthday ni Ka Norie Lucas (may ari ng Kabukiran) 🫣🤣😅. Naalala daw niya sa akin ang Tatay- Kapitan Fred ko no’ng araw. 🤫

Nai kwento lang ni Lola Zeny Felizardo-Leonardo na nasa edad 90 na, kapatid siya ni Judge Deo — malakas at masiyahin pa den…. 🙏🏻 Siya ay isang taal na tiga- Taytay na apo ng ikatlong Mayor Adaucto Ocampo at pamangkin ni Rosario Ocampo (ROES).✨

Katuwa lang at habang kame eh nagke kwentuhan, iba ung gigil at mababanatan pa ata ako.hahahaah
Lab lab po. 🥰💙

Kayo, anong kwentong Lola niyo!? 🫶🏼💕🌸

02/09/2026

Yeyssss!
Thank you

DJ Mama Colleen!

MALIGAYANG KAARAWAN, SK IYA!Isang nakangiting pagbati ng Maligayang Kaarawan para kay Taytay SK Federation President at ...
02/09/2026

MALIGAYANG KAARAWAN, SK IYA!

Isang nakangiting pagbati ng Maligayang Kaarawan para kay Taytay SK Federation President at SK Chairperson ng Barangay Sta. Ana, Hon. Lucia Marie “Iya” Alcantara!

Nawa’y patuloy kang maging inspirasyon at boses ng kabataang Taytayeño sa pagsusulong ng mga programang makabuluhan at para sa kapakanan ng bawat kabataan.

Hiling namin ang iyong mabuting kalusugan, tagumpay, at mas marami pang biyaya sa iyong paglilingkod.

Muli, Happy Birthday, SK Iya!



02/09/2026
02/09/2026
Good is night ✨ haayyysss …🙏🏻Bago matulog ay upload muna ng mga kaganapan sa opisina ngayong araw. May nagbigay ng paint...
01/09/2026

Good is night ✨ haayyysss …🙏🏻

Bago matulog ay upload muna ng mga kaganapan sa opisina ngayong araw. May nagbigay ng painting, salamat Kuya Pokyo Molinos. 👏🏻

Unang araw na din BERRRR months…hhmmm❄️ Maaliwalas din ang panahon at sana ay huminto na din si “ULAN” , para mas marami pa tayong oras at pagkakataon na makapag ikot at magbigay ng serbisyong may ngiti. 💪🏻☺️

Salamat sa mga kababayan nating patuloy na dumudulog at sumasangguni. Asahan ninyo ang aming taos pusong pakikinig at suporta sa kung ano ang makububuti para sa lahat.💙



PAALALA SA PUBLIKO | WALANG NAKATAKAS NA HIGH-PROFILE PRISONERS SA TAYTAY JAILMay kumakalat na voice message sa ilang ch...
01/09/2026

PAALALA SA PUBLIKO | WALANG NAKATAKAS NA HIGH-PROFILE PRISONERS SA TAYTAY JAIL

May kumakalat na voice message sa ilang chat groups na nagsasabing may mga nakatakas umano sa kulungan sa Taytay, kabilang ang mga high-profile na preso.

ITO AY HINDI TOTOO.

Ayon kay PLT COL Marlo N. Solero, Chief of Police ng Taytay Municipal Police Station, walang naganap na pagtakas ng mga preso sa Taytay Jail at walang insidenteng tulad ng ipinapakalat sa nasabing voice message.

Hinihikayat ang lahat na huwag magpakalat o mag-forward ng hindi beripikadong impormasyon na maaaring magdulot ng hindi kinakailangang pangamba sa ating komunidad.

Para sa mga opisyal at beripikadong impormasyon, sumubaybay lamang sa mga opisyal na communication channels ng Municipality of Taytay at Taytay Municipal Police Station.

Manatiling kalmado, mapanuri, at responsable sa pagbabahagi ng impormasyon.

Huwag magpakalat ng fake news. Mag-verify bago mag-share.

Address

New Taytay Municipal Hall
Taytay
1920

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mayor Allan De Leon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share