23/06/2026
SABATA 2026 ✝️💦
--------------------------------------------
Para sa anumang Emergency sa Taytay maaaring tumawag sa:
🚨Taytay Command Center: 09854883352
🚨MDRRMO: 09526199511 / 09708843791
🚨Mag message o tumawag sa Taytay Command Center FB page
🚨or thru the SMILE SAFE App https://taytayrizal.defensys.ph/
upang maaksyunan agad ng ating 24/7 operators
Patuloy na maglilingkod ang Serbisyong May Ngiti🫴
TRAFFIC ADVISORY | Replica Procession 2026
Inaabisuhan ang mga motorista na maaaring makaranas ng pagbigat na daloy ng trapiko bunsod ng gaganaping Replica Procession mula 7:30 PM ngayong Martes, June 23, 2026 bilang bahagi ng pagdiriwang ng Kapistahan ni Patron San Juan Bautista.
Narito ang ruta ng gaganaping prusisyon:
- Mula Minor Basilica and Parish of St. John the Baptist, tatahakin ang J. Sumulong St. pababa ng Rizal Ave.
- Kakaliwa sa Isagani St.
- Liliko pakaliwa sa B.A. Cruz St.
- Kakaliwa sa Rizal Ave.
- Kakanan sa Naval St.
- Kakaliwa sa L. Wood St.
- Kakaliwa sa Pulumbarit St palabas ng Rizal Ave.
- Tatahakin ang J. Sumulong St. pabalik ng simbahan
Maaaring iwasan muna ang nasabing lugar at humanap muna ng alternatibong ruta.
Nakaantabay naman ang OPSS Traffic Management and Enforcement upang umalalay sa daloy ng trapiko.
Maraming salamat sa inyong pang-unawa.