07/11/2025
๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐
Sa bawat sakuna, bawat segundo ay mahalaga.
Tandaan tamang kaalaman ang gabay, kung kaya narito ang paalala ng ating Punong Barangay Actionman Kap Rasel Valera, at Sangguniang Barangay para sa ating mga kabarangay.
Ang kahandaan sa panahon ng bagyo at iba pang sakuna ay susi upang mapanatili ang kaligtasan ng ating pamilya at komunidad. Mahalaga ang pagkakaroon ng malinaw na plano ng paglikas, paghahanda ng pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, tubig, flashlight, at gamot, at ang pagiging alerto sa mga opisyal na abiso mula sa pamahalaan.
Huwag nating kalimutan na ang kaligtasan ay nakasalalay hindi lamang sa ating sariling paghahanda kundi pati na rin sa pagtutulungan ng bawat isa. Ang disiplina at kooperasyon ng komunidad ang siyang pinakamabisang sandata laban sa sakuna.
Nawaโy magsilbing paalala ito sa lahat na ang kahandaan ay hindi lamang opsyon kundi isang tungkulin para sa sarili, sa pamilya, at sa ating bayan.
Para sa anumang pangangailangan o agarang tulong sa oras ng sakuna, gaya ng pagbibigay ng first aid, paglikas, pagresponde sa aksidente, o iba pang uri ng emergency, maaari pong makipag-ugnayan at tumawag sa numerong
โ๏ธOffice of the Barangay Captain - (02)8818-0652
โ๏ธBarangay San Juan - 0998-220-5844
โ๏ธTaytay Command Center - 0985-488-3352
โ๏ธTaytay MDRRMO- 0952-629-9511 / 0970-884-3791
๐MGA ITINALAGANG EVACUATION CENTER SA BARANGAY SAN JUAN:
๐ซ Floodway A โ Manuel I. Santos Integrated School
๐ซ Floodway B โ Bagong Pag-asa Elementary School
๐ซ Iskwala Damayan โ Blk 67 Evacuation Center
๐ซ Velasquez / Bangiad โ San Juan Elementary School
๐ซ Sitio Adap Sala & Purok 17 Upper โ Taytay National Integrated School
๐ซ Valle Compound & Sitio Pugad Lawin โ Manuel I. Santos Integrated School
๐ซ Bayan Area โ Rosario Ocampo Elementary School
๐ซ San Lorenzo Ruiz โ BPES Annex San Lorenzo Ruiz
Ang ating mga opisyal ay handang tumugon at magbigay ng kinakailangang tulong para sa iny