Liga ng mga Barangay - Tayug Chapter

Liga ng mga Barangay - Tayug Chapter Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Liga ng mga Barangay - Tayug Chapter, Government Organization, Tayug.

21 BARANGAYS NG TAYUG, IDINEKLARANG ‘DRUG CLEARED’ NG PDEALahat ng mga 21 barangays ng Tayug ay idineklarang Drug-Cleare...
24/01/2023

21 BARANGAYS NG TAYUG, IDINEKLARANG ‘DRUG CLEARED’ NG PDEA

Lahat ng mga 21 barangays ng Tayug ay idineklarang Drug-Cleared Barangays sa isinagawang deliberasyon ng Regional Oversight Committee on Barangay Drug Clearing (ROCBDC) ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office I.

Sa naturang aktibidad, tinukoy ang mga barangay ng Agno, Amistad, Poblacion A, Poblacion B, Poblacion D, Barangobong, C.Lichauco, Carriedo, Evangelista, Guzon, Lawak, Legaspi, Libertad, Panganiban, Saleng, Sto. Domingo, Toketec at Zamora bilang mga nakapanatili ng ‘Drug-Cleared status’. Dagdag dito ang tatlong barangay ng Poblacion C, Trenchera, at Magallanes na nauna nang naideklara bilang drug-cleared barangays noong March 2022.

Dumalo sa awarding ceremony na ginanap sa PDEA Pangasinan Provincial Office sa Urdaneta City, Pangasinan sina Vice Mayor Lorna Primicias at MLGOO Arianne Peralta kasama ang mga kapitan na ginawaran ng signed resolutions bilang pagkilala sa kanilang pagsusumikap na mapanatiling drug-cleared ang kanilang barangay na nasasakupan.

Sa tulong ng iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan, ang Pamahalaang Lokal ng Tayug sa pamumuno ni Mayor Tyrone Agabas at Vice Mayor Lorna Primicias ay patuloy sa pagpupursige na mapalakas ang kampanya ng gobyerno kontra iligal na droga upang maiwasan na masira ang kinabukasan ng mga kabataan at bawat pamilyang Pilipino.



Monthly Meeting of Punong Barangays10.14.22
08/12/2022

Monthly Meeting of Punong Barangays

10.14.22

Monthly Meeting of Punong Barangays09.09.22
08/12/2022

Monthly Meeting of Punong Barangays

09.09.22

Monthly Meeting of Punong Barangays08.12.22
08/12/2022

Monthly Meeting of Punong Barangays

08.12.22

Monthly Meeting of Punong Barangays07.08.22
08/12/2022

Monthly Meeting of Punong Barangays

07.08.22

Monthly Meeting of Punong Barangays12.08.22
08/12/2022

Monthly Meeting of Punong Barangays

12.08.22

Isang training patungkol sa geotagging ng mga kritikal na imprastraktura (critical infrastructures) ang isinagawa ng ami...
11/03/2022

Isang training patungkol sa geotagging ng mga kritikal na imprastraktura (critical infrastructures) ang isinagawa ng aming opisina sa bayan ng Tayug nitong Marso 9-11, 2022.

Ito ay ang kauna-unahang geotagging activity na pinangasiwaan ng opisina na dinaluhan ng mga kinatawan mula sa 21 barangays ng Tayug.

Katuwang ng opisina ang Department of the Interior and Local Government o DILG ng lalawigan sa pagsasagawa ng nasabing aktibidad alinsunod sa naipasang provincial resolution no. 268-2021.

Ang geotagging ay isang proseso ng pagkuha ng geographic coordinates ng isang lugar sa pamamagitan ng mobile devices at iba pa.

Mahalaga ang geotagging lalong-lalo na sa DRRM dahil ito ay nakatutulong sa paglikom ng maayos na datos at sa pagsasagawa ng tamang risk assessment at risk exposure maps.

Bukod pa rito ay ginagamit ang geotagging na means of verification sa iba’t ibang DRRM projects hindi lamang sa bansa, kun’di maging sa buong mundo.

Ang naturang aktibidad ay naglalayong tulungan ang bawat komunidad na magkaroon ng sapat na datos na siyang magagamit sa mas maayos at komprehensibong pagpa-plano sa maaring tumama na kalamidad sa probinsya tulad ng malalakas na bagyo.

Isa ito sa mga hakbangin ng provincial government sa pangunguna ni Gob. Amado ‘Pogi’ Espino III upang masigurong handa at mapanatili ang katatagan (resiliency) sa buong probinsya ng Pangasinan.

Ngaun araw nagtapos ang training patungkol sa "Geotagging of Critical Infrastructure" kung saan dinaluhan ito ng ating D...
11/03/2022

Ngaun araw nagtapos ang training patungkol sa "Geotagging of Critical Infrastructure" kung saan dinaluhan ito ng ating Dalawaput-Isang (21) Barangay Participants sa loob ng tatlong araw.

Ang Training na ito ay pinangunahan ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDDRMO). Layunin ng Geotagging na malaman ang geographic coordinates ng mga inprastruktura na kakailangin sa oras ng kalamidad, atbp.

Matagumpay na naisagawa ang training na ito dahil na rin sa partisipasyon ng mga sumusunod na ahensya: PDRRMO, MDRMO(LGU-Tayug), DILG- Tayug at Liga ng mga Barangay - Tayug.

Maraming Salamat sa pagdalo at partisipasyon, Ka-Liga! 🤗

Address

Tayug
2445

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Liga ng mga Barangay - Tayug Chapter posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Liga ng mga Barangay - Tayug Chapter:

Share