30/09/2026
β οΈ β π
ππ ππππππππππ ππ πππππ β β οΈ
Isinagawa ang panibagong pest monitoring sa mga palayan, partikular para sa Fall Armyworm (FAW), sa ilang palayan sa Barangay Dulumbayan, San Roque, at Prinza noong Setyembre 30, 2026. Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga kawani ng Department of Agriculture β Regional Field Office (DA-RFO) IV-A β Regulatory Division, sa pakikipag-ugnayan sa Tanggapan ng Pambayang Agrikultor ng Teresa.
Layunin ng isinagawang monitoring na matukoy kung mayroon nang insidente o presensya ng FAW sa mga punlaan at naitanim na palay sa bayan. Dati nang naitatala ang pagkakaroon ng FAW sa mga tanim na mais lamang; dahil dito, isinagawa ang monitoring upang masuri kung ang peste ay mayroon na ring presensya sa mga palayan at kung may makikitang kaugnay na sintomas o pinsala sa mga tanim.
Kabilang din sa isinagawang monitoring ang pagmamasid at pagsusuri sa posibleng pagkakaroon ng mga panibagong sakit sa palay, partikular ang Rice Yellowing Syndrome (RYS), upang matukoy agad ang anumang insidente at makapagbigay ng naaangkop na rekomendasyon para sa pamamahala at pagkontrol nito.
Sa isinagawang obserbasyon, walang nakitang indikasyon ng pagkakaroon ng Fall Armyworm (FAW) at Rice Yellowing Syndrome (RYS) sa mga palayang napuntahan at nasuri. Gayunpaman, nakapagtala ng ilang populasyon ng peste, partikular ang Brown Planthopper (BPH) at White-backed Planthopper (WBPH), na maaaring magdulot ng pinsalang βhopperburnβ kapag umabot sa mataas na populasyon.
Dahil mababa pa ang populasyon ng mga naturang peste sa mga nasuring palayan, inirerekomenda ang paggamit muna ng mga angkop na pamamaraang kultural at biyolohikal sa pamamahala ng peste, kabilang ang salit-salitang pagpapatubig at pagpapa-iga ng palayan (alternate wetting and drying). Ang paraang ito ay makatutulong sa pamamahala ng kondisyon ng palayan at sa pagpigil sa pagdami ng mga planthopper.
Sa kasalukuyan, hindi muna inirerekomenda ang paggamit ng kemikal na insektisidyo dahil mababa pa ang populasyon ng mga peste. Layunin nitong mapanatili ang populasyon ng mga kapaki-pakinabang na insekto at natural enemies na tumutulong sa likas na pagkontrol sa mga peste sa palayan. Patuloy na inirerekomenda ang regular na monitoring upang agad na matukoy ang pagtaas ng populasyon ng BPH at WBPH at makapagsagawa ng naaangkop na hakbang kung kinakailangan.