17/01/2026
Enero 17, 2026, nagsagawa ng Leaders Assembly ang Canlibot Homeowners Association (HOA) sa Teresa, Rizal upang talakayin ang kanilang laban sa lupang tinitirikan ng kanilang komunidad. Pinangunahan ang pagpupulong ni Lawin President Atty. Arellano.
Noong 2022, in-auction ng Lokal na Pamahalaan ng Teresa ang nasabing lupa dahil sa hindi pagbabayad ng amilyar sa loob ng mahigit sampung taon. Nakiusap ang Canlibot HOA na huwag nang ituloy ang auction at sa halip ay i-award na lamang sa kanila ang lupa bilang mga kasalukuyang naninirahan at handang bumili nito. Gayunpaman, hindi ito pinansin ng alkalde.
Sumali ang HOA sa bidding ngunit kulang ang kanilang pondo. Anim na raang libong piso lamang ang kanilang naipon, samantalang umabot sa milyon ang halaga ng lupa. Marie Diane De Leon ang nanalo sa bidding sa halagang 5 6 million more or less ang diumano ay nanalo sa bidding.
Noong 2024, nakatanggap ang mga residente ng abiso ng pagpapaalis mula sa diumano ay nakabili ng lupa. Subalit napag-alaman sa Region IV-A na hindi pa naililipat ang titulo ng lupa, kahit na ayon sa patakaran ay dapat itong maisagawa sa loob ng isang taon.
Tatlong beses humiling ng pakikipagpulong ang HOA kay Mayor Rodel Dela Cruz, ngunit pawang mga kinatawan lamang ng administrasyon ang humarap sa kanila at hindi ang alkalde mismo.
Dahil dito, nagsampa ng petisyon ang HOA sa Human Settlements Adjudication Commission (HSAC) sa Halang, Calamba, Laguna. Nagsampa rin sila ng kaso laban sa gobernador, alkalde, NHA, at sa diumano ay nakabili ng lupa na si Marie Diane De Leon. Nagkaroon na rin ng unang pagdinig kaugnay ng nasabing petisyon.
Ito ang mga update na ibinahagi sa Leaders Assembly upang ihanda ang mga miyembro sa patuloy na laban para sa kanilang karapatan sa sosyalisadong pabahay.