21/09/2026
NEMO IS STILL HERE. ๐ ๐
At nandito pa rin ang buhay sa ilalim ng Manila Bay.
Ang Ternate Marine Park ay isang mahalagang marine protected area sa Manila Bayโisang kanlungan ng coral reefs, isda at iba pang yamang-dagat. Itinatag ito bilang marine park noong 2022 at kinikilala bilang mahalagang bahagi ng conservation efforts sa Manila Bay.
Dito mismo, natuklasan ang mga coral gardens sa loob ng marine parkโpatunay na may buhay pa sa bahaging ito ng Manila Bay at may dapat pang ipaglaban at protektahan.
Pero ang marine litter ay hindi simpleng basura. Maaari itong tumabon o makasira sa corals, magdulot ng physical damage, at maging panganib sa mga isda at iba pang marine organisms. Ang pagkasira ng coral reefs ay nangangahulugan ng pagkawala ng tirahan at breeding grounds ng maraming marine life.
At ang epekto nito ay hindi lamang para sa Ternate. Ang Ternate Marine Park ay bahagi ng mas malawak na marine ecosystem ng Manila Bay. Kapag tuluyang nasira ang mga coral reef at marine habitats dito, maaaring maapektuhan ang biodiversity, fisheries, coastal livelihoods, turismo, at ang ecological health ng mas malawak na Manila Bay ecosystem.
NEMO IS STILL HERE.
Kaya habang may buhay pa, protektahan natin.
๐๏ธ HUWAG MAGTAPON NG BASURA SA DAGAT.
๐คฟ LINISIN AT PROTEKTAHAN ANG MARINE HABITATS.
๐ PANGALAGAAN ANG TERNATE MARINE PARK.
Ang proteksyon sa Ternate Marine Park ay proteksyon din sa buhay ng Manila Bay.
๐ท PCGA