12/08/2026
Lubos na nagpapasalamat ang mga kaguruan, sa pangunguna ng ating Punong G**o I, Gng. Nancy M. Magtibay, sa ating butihing Municipal Mayor, Hon. Vincent RJ Mea, sa kanyang agarang pakikipag-ugnayan sa Bureau of Fire Protection (BFP)-Tiaong, Municipal Engineering Office, PNP, at MDRRM Office para sa isinagawang building inspection sa Anastacia Elementary School ngayong Agosto 12, 2026.
Ang naturang inspeksyon ay isinagawa bilang bahagi ng pagtitiyak sa kaligtasan ng mga mag-aaral, g**o, at kawani kasunod ng lindol na naramdaman noong Agosto 7, 2026.
Maraming salamat po sa inyong agarang pagtugon, pakikiisa, at malasakit sa kaligtasan ng buong komunidad ng Anastacia ES. Ang inyong suporta ay lubos naming pinahahalagahan.