22/09/2026
Ginanap noong, Setyembre 21, 2026, sa Tiaong Multi-Purpose Building ang Courtesy Call ng mga Atletang Tiaongin na nag-uwi ng 53 medalya at itinanghal bilang Overall Top 10 Delegation sa katatapos lamang na Palarong Quezon 2026 sa Gumaca noong Setyembre 9–11. Bilang pagkilala sa karangalang inuwi ng delegasyon, personal na iginawad ni Mayor Vincent RJ Mea ang mga insentibo para sa magigiting na atleta at coaches ng bayan.
Mabuhay ang Atletang Tiaongin!