I Will Tiaong - Vice Mayor Razon

I Will Tiaong - Vice Mayor Razon KARANGALAN KO NA KAYO AY AKING PAG LINGKURAN

IWILTIAONG (VM RAZON)

🇵🇭 Flag Ceremony | September 28, 2026Mapagpalang araw ng Lunes, Tiaong!Ang selebrasyon ng ika‑126 anibersaryo ng Civil S...
28/09/2026

🇵🇭 Flag Ceremony | September 28, 2026

Mapagpalang araw ng Lunes, Tiaong!

Ang selebrasyon ng ika‑126 anibersaryo ng Civil Service Commission, kung saan kabilang ang ating ikalawang punong bayan, Vice Mayor Razon, sa pagpirma sa Lingkod Bayani Commitment Wall bilang patunay ng kanyang dedikasyon sa paglilingkod.

Bukod dito, pinarangalan din ang itinanghal na 2nd Place Awardee ng Natatanging Nay Tay 2026, bilang pagkilala sa kanilang sakripisyo at mahalagang kontribusyon sa komunidad.


28/09/2026

Ika tatlumpu’t apat na Pangkaraniwang Pagpupulong

September 28, 2026


Maligayang pagdating sa bagong punong-guro ng Cabay Elementary School. 👩‍🏫✨Ipinakilala si Ma’am Flora May M. Declaro bil...
28/09/2026

Maligayang pagdating sa bagong punong-guro ng Cabay Elementary School. 👩‍🏫✨

Ipinakilala si Ma’am Flora May M. Declaro bilang bagong Principal I ng Cabay Elementary School noong Setyembre 24, 2026. Dinaluhan ito ng ating ikalawang punong bayan, Vice Mayor William Alita Razon, upang saksihan at salubungin ang pagdating ng bagong punong-guro ng paaralan.

Sa naturang programa, nagbigay ng mensahe si Vice Mayor Razon para ipahayag ang taos-pusong pagtanggap at buong suporta sa bagong principal ng paaralan, na naglalayong palakasin ang patuloy na pag-unlad ng edukasyon sa Cabay Elementary School.


30th YEAR FOUNDING ANNIVERSARY EUCHARISTIC MASS CELEBRATION | SEPTEMBER 24, 2026
24/09/2026

30th YEAR FOUNDING ANNIVERSARY EUCHARISTIC MASS CELEBRATION | SEPTEMBER 24, 2026


23/09/2026

Special Session

September 23, 2026


30th YEAR FOUNDING ANNIVERSARY EVENTS OF KAPANGKAT | SEPTEMBER 22, 2026Masiglang nakilahok ang ating Ikalawang Punong Ba...
23/09/2026

30th YEAR FOUNDING ANNIVERSARY EVENTS OF KAPANGKAT | SEPTEMBER 22, 2026

Masiglang nakilahok ang ating Ikalawang Punong Bayan, Vice Mayor William Alita Razon, sa aktibidad na hinanda ng KAPANGKAT sa Multi‑Purpose Building bilang bahagi ng ika‑30 anibersaryo ng KAPANGKAT.

Sa naturang pagdiriwang, nagbigay ng inspirasyonal na mensahe si Vice Mayor William Razon bilang patunay ng kanyang suporta sa mga KAPANGKAT at sa patuloy na pagkakaisa ng mga kawani ng pamahalaang bayan.


Rotary’s Fellowship in Every Drop 🩸Blood Letting Activity | September 22, 2026Dumalo ang ating Ikalawang Punong Bayan, V...
23/09/2026

Rotary’s Fellowship in Every Drop 🩸
Blood Letting Activity | September 22, 2026

Dumalo ang ating Ikalawang Punong Bayan, Vice Mayor William Alita Razon, sa Blood Donation Activity na handog ng Rotary Club sa Tiaong Town Plaza.

Sa naturang programa, personal na nag donate ng dugo si Vice Mayor Razon bilang pagpapakita ng kanyang malasakit at suporta sa Rotary Club, at bilang patunay ng kanyang dedikasyon sa pagtutulungan para sa kalusugan at kapakanan ng mamamayan ng Tiaong.


🇵🇭 Flag Ceremony | September 21, 2026Mapagpalang araw ng Lunes, Tiaong!Bilang aktibong kinatawan ng Pamahalaang Bayan ng...
22/09/2026

🇵🇭 Flag Ceremony | September 21, 2026

Mapagpalang araw ng Lunes, Tiaong!

Bilang aktibong kinatawan ng Pamahalaang Bayan ng Tiaong dumalo si Vice Mayor William Alita Razon sa isinagawang Flag Ceremony ngayong araw.

Sa seremonya, pinarangalan ang mga magigiting na manlalaro mula sa Tiaong na nagwagi ng medalya sa Palarong Quezon 2026, bilang pagkilala sa kanilang husay at dedikasyon sa larangan ng palakasan.🏆🏅

Kasabay nito, ipinagdiwang din ang ika‑30 anibersaryo ng Kapangkat, na nagsilbing makabuluhang paalala ng patuloy na pagkakaisa at pag‑unlad ng komunidad.🎉✨


Namahagi sa Brgy. Cabay, Tiaong, Quezon ng agricultural inputs at mga gamot pangkalusugan para sa 31 barangay ng Tiaong,...
21/09/2026

Namahagi sa Brgy. Cabay, Tiaong, Quezon ng agricultural inputs at mga gamot pangkalusugan para sa 31 barangay ng Tiaong, Quezon, handog ng ating butihing Gov. Doktora Helen Tan at ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon noong Setyembre 20, 2026.

Sa aktibidad na ito, nakiisa ang ikalawang punong bayan Kgg. ViceMayor William Alita Razon , sa pamimigay ng mga gamit pang-agrikultura upang matulungan ang mga magsasaka at kabahayan. Kasabay nito, isinagawa ang Kalinga sa Mamamayan na naghatid ng libreng gamot at programang pang-nutrisyon para sa bawat barangay.

Layunin ng programa na palakasin ang kabuhayan at tiyakin ang kalusugan ng mga taga-Tiaong, bilang patunay ng pagtutok ng lokal at panlalawigang pamahalaan sa kapakanan ng mga tiaongin.🧡✨


🩺 Medical Mission | September 20, 2026 Nakiisa ang ikalawang punong bayan na si ViceMayor William Alita Razon  sa makabu...
21/09/2026

🩺 Medical Mission | September 20, 2026

Nakiisa ang ikalawang punong bayan na si ViceMayor William Alita Razon sa makabuluhang Medical Mission na pinamunuan ni Governor Doktora Helen Tan at Doc Kim Tan. Idinaos ito sa Paiisa National High School Covered Court, kung saan maraming residente ng Tiaong, Quezon ang nabigyan ng libreng konsultasyon at serbisyong medikal.🧡✨

Sa naturang okasyon, nagpahayag ng pasasalamat si Vice Mayor William Alita Razon kay Governor Doktora Helen Tan at sa Sangguniang Panlalawigan sa kanilang walang sawang suporta at malasakit para sa kalusugan ng mamamayan. 🙏✨


Address

Tiaong
4325

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when I Will Tiaong - Vice Mayor Razon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share