12/05/2025
Sa pagtatapos ng Halalan 2025, ang buong papuri at pasasalamat ay iniaalay ko sa ating Panginoong Diyos Amang Lumikha.
Noong una, nabigo. Ngayon, pinagtagumpay Niya—hindi sa sariling lakas, kundi sa Kanyang gabay, kalooban, at grasya.
Maraming salamat sa aking buong pamilya at sa lahat ng kaangkan at kamag-anak na hindi nagsawang umalalay, umintindi, at magdasal sa bawat araw ng laban.
Hindi ko na po kayo maiisa-isa, pero alam ninyo kung sino kayo—lalo na ang mga araw-araw kong kasama sa bawat galaw ng kampanya.
Sa buong pamilya ng MARQUEZ - MEA, sa Team RJMea, sa mga masisipag na staff, sa aking mga kaibigan, at sa lahat ng mga kababayan—mula sa mga kapitbahay, ka-barangay, at bawat sulok ng Tiaong na nagbigay ng oras, dasal, at suporta—taos-puso pong pasasalamat.
Hindi po ito kampanyang marangya, pero ito'y sinimulan, isinabuhay, at tinapos nang may Adhikain at Dedikasyon.
At ang tagumpay pong ito, ay hindi tagumpay ng isang tao—kundi tagumpay ng bawat Tiaongin na naniwala sa paglilingkod na may puso, dangal, at pananampalataya.
Maraming, maraming salamat po.
Hindi ito pagtatapos—ito ang simula ng panibagong yugto ng taos-pusong serbisyo.
Konsehal ng Masa – Alvin Pacheco De Villa