24/08/2026
PABATID SA MGA TAGA-BRGY. LALIG
Mapagpalang araw po sa lahat ng taga-Brgy. Lalig!
Ipinababatid po sa ating mga kabarangay na ang Pulmonary Tuberculosis (TB sa baga) ay isang nakahahawang sakit na maaaring mabilis na kumalat, lalo na sa mga taong malapit na nakakasalamuha ng may TB. Isa rin ito sa mga pangunahing sanhi ng pagkakasakit at pagkamatay.
PREVENTABLE – Maiiwasan
Maaaring makatulong ang BCG vaccine, na ibinibigay sa mga sanggol, upang maprotektahan laban sa malulubhang uri ng TB.
TREATABLE – Nagagamot
Ang TB ay nagagamot, lalo na kung ito ay maagang matutukoy at agad na mabibigyan ng tamang gamutan.
ACTIVE CASE FINDING (ACF)
Magkakaroon po ng Free Chest X-ray matapos ang mahigpit na screening upang makatulong sa maagang pagtukoy ng mga posibleng kaso ng TB.
SAAN: Morning Breeze Subd. Covered Court, Brgy. Lalig, Tiaong, Quezon
KAILAN: Agosto 27, 2026
ORAS: 7:00 AM onwards
MGA TARGET INDIVIDUAL NA MAAARING MAGPA-CHEST X-RAY:
Elderly/Senior Citizens
Smokers – mga naninigarilyo na edad 15 pataas
Close Contacts – mga kasama sa bahay na edad 15 pataas ng kumpirmadong TB patient na kasalukuyang sumasailalim sa gamutan (TB-DOTS)
Mga taong may history ng TB o dating nagpagamot para sa TB
TODA – Tricycle Operators and Drivers, bilang mga highly exposed
JOA – Jeepney Operators and Drivers, bilang mga highly exposed
Vendors – mga nagtitinda, bilang mga highly exposed
Urban Poor – kabilang ang 4Ps members at PhilHealth-sponsored members
Mga may comorbidities, gaya ng hypertension, diabetes, at iba pa
MAGPATALA/MAGPALISTA NA!
Makipag-ugnayan at magpalista na po sa ating mga BHW o sa Health Center ng Brgy. Lalig hanggang Agosto 25, 2026.
Huwag pong hintayin na lumala ang sakit. Ang maagang pagpapasuri ay mahalaga para sa maagang pagtuklas at agarang paggamot.
Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at suporta!
Brgy. Lalig Health Center